fbpx
Search
Close this search box.
philippine news

Miss U CEO, nagbabalang kasuhan ang mga naglalabas ng fake news, paninira laban sa kanya

by Joanna Deala

NAGBANTA na si Miss Universe Organization (MUO) chief executive officer Anne Jakrajutatip na sasampahan niya ng kaso ang mga nagpapakalat ng maling balita at paninira laban sa kanya at sa kanyang organisasyon.

Inihayag niya ito sa isang Instagram post nitong Miyerkoles, kung saan ibinahagi niyang sinimulan na nilang kasuhan ang ilang organisasyon na umano’y nagpakalat ng paninirang-puri sa internet laban sa kanya at sa MUO.

“We will strongly take legal action now around the world with all kind of fake news and smear campaigns related to our executives and our organization,” Ani Jakrajutatip.

Dagdag niya, “Right now, our corporate group will expand the capacity of legal teams and audit the accuracy of news in other parts of the world too.”

Nagpasalamat din si Jakrajutatip sa mga nagbibigay suporta sa kanya na aniya’y humimok sa kanilang mag-”step up” at gawin kung ano ang tama.

Nitong lamang Pebrero, nag-viral ang leaked video ni Jakrajutatip kung saan makikitang nakikipagpulong siya tungkol sa umanong “communication strategy” tungkol sa desisyon ng organisasyong tanggalin ang age limit at pahintulutan ang “inclusive” candidates tulad ng mga nanay, trans women, at plus-size beauties na lumahok sa international pageant. 

Maririnig si Jakrajutatip na sinasabi sa video na, “They can compete but they cannot win. We just put the policy out there.”

@news5everywhere

Nabunyag na “saling ketket” lang pala o hindi pwedeng manalo ang mga trans, nanay, plus-size, at divorced women sa MissUniverse. Narinig ‘yan mismo mula sa owner nitong si #AnneJakrajutatip base sa viral video. #News5 #FrontlineTonight #NewsPH #EntertainmentNewsPH

♬ original sound – News5 – News5

Pero pinabulaanan ito ni Jakrajutatip at sinabing “malicious[ly] edited” ang video. Dumepensa rin dito ang MUO at inihayag, “We remain committed to our mission to offer equal opportunity and honor the beauty found in every individual, regardless of background or ethnicity.”

Condemning cyberbullying

Nitong nakaraang buwan, naglabas din ng pahayag ang Miss Universe Philippines (MUPH) na kinokondena ang kahit anong uri ng cyberbullying laban sa organisasyon, sa mga kandidata, at sa sinumang nauugnay sa pageant sa social media platforms ng MUPH.

“In recent years, social media has become a damaging, dangerous and toxic environment for pageant delegates. The MUPh Organization would like to create a safe space on our social media platforms for beauty queens and aspirants,” sabi nito.

Ayon sa organisasyon, patuloy nilang imo-monitor ang kanilang platforms para masigurong walang “derogatory, rude, mean, offensive comments,” na kaagad nilang buburahin. Iba-block at ire-report din anila ang sinumang patuloy na magpapakita ng “toxic and negative behavior” sa social media.

Umabot sa 50 kandidata ang maglalaban-laban sa 2024 edition ng Miss Universe Philippines pageant. Sinuman ang mananalo ay papalit kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee at lalaban sa 73rd Miss Universe competition.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter