fbpx
Search
Close this search box.

Babala: Food poisoning sa tag-init

by Bryan Gadingan

PANSIN mo bang hindi tumatagal ang mga ulam na nakahain sa mesa at kaning tira sa kaldero? Mabilis mapanis!

Ayon sa mga eksperto, breeding ground sa mga bacteria ang mainit na temperatura. Sa panayam ng GMA News kay Internal medicine at adult diseases specialist na si Dr. James Sta. Maria, kapag mainit ang temperatura, mas mataas ang kapasidad ng mga organismo na mag-germinate at dumami.

Kaya naman kapag nakakain ng mga pagkain na nabilad sa araw,, malaki ang posibilidad na sumama ang tiyan o makaranas ng food poisoning, bunga ng mga bacteria na tumubo rito.

“Kapag may na-ingest po silang food na contaminated with the bacterial toxin na pwedeng mag-present ng symptoms sa payente,” sabi ng doktor.

“Very obvious na kapag for example ang patient nagtate kasi may nakain tapos may ibang mga persons na naka-ingest ng same food, and they actually present with same symptoms so most likely that’s food poisoning already,” idinagdag niya.

Ayon pa kay Sta. Maria,, kabilang sa mga sintomas ang pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae, depende sa klase ng bacteria, toxin o parasitic microorganism ang na-ingest ng pasyente.

“Unang-una talaga naming gagawin diyan is keep the patient from dehydration, kaya kailangan po ‘yung swero talaga and monitor yung mga electrolytes na lumalabas sa mga losses ng pasyente. Tapos doon mag u-undergo ng mga additional diagnostics,” ayon kay Sta. Ana.

”Yung mga anti-motility o kaya let’s say for example yung mga pampa-stop ng dumi, let’s say for example mga loperamide, bawal na bawal pong mabigay sa kanila kasi mas pagagrabihin lang nila yung kundisyon ng pasyente,” sabi ni Sta. Ana.

Payo ng doktor, kapag nakaranas ng alinmang sintomas, magpakonsulta agad at huwag mag self-medicate.

Panatilihin ang kalinisan sa paghahanda ng pagkain at kung hindi pa naubos ang pagkain, ilagay muna ito sa refrigerator upang hibdi masira at pamugaran ng bacteria.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter