fbpx
Search
Close this search box.

Malonzo balik PBA; nanguna para sa panalo ng Ginebra

by Bryan Gadingan

NAGBALIK na sa hard court si Barangay Ginebra forward Jamie Malonzo, at pinangunahan ang kanyang team sa 113-107 na panalo kontra Rain or Shine Elasto Painters sa PBA Season 48 Philippine Cup.

Muling ipinamalas ni Malonzo ang kanyang galing sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City noong Biyernes, ang kanyang kauna-unahang laro matapos madawit sa isang off-court brawl.

Man on a mission, ika nga nila, dahil kitang kita sa laro ng 27-year-old forward na nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa kanilang laro. 

Unang quarter pa lamang, bumulusok na agad si Malonzo at nagtala ng 15 points kung saan naging malaking tulong para makuha ng Ginebra ang kalamangan sa buong laro. Tinapos naman niya ang laro ng may career-high 32 points, eight rebounds, and three assists.

RELATED ARTICLE: Jamie Malonzo bugbog sarado sa isang MMA fighter

Sa kabilang banda, sinubukan ng Elasto Painters na makahabol sa laro. Subalit, lumobo ang kalamangan ng Gin Kings pagdating the ikatlong quarter, 90-75.

Naibaba nila ito ng kaunti, ngunit bumulusok nanaman ang Ginebra at ibinalik sa 15-point lead ang kanilang kalamangan, 107-92, habang 3:26 minuto nalang ang natitira sa fourth quarter.

Sinubukan muli ng Rain or Shine na maibaba ang kalamangan, ngunit nanatiling composed ang Gin King, at inuwi ang panalo.

“It’s been tough. Going through a lot, fighting through a lot. It has not been easy. It’s difficult to cancel out all the noise and focus on the game. I’m just happy that I was able to do what I did tonight. Move forward,” binahagi ni Malonzo.

Ayon sa kanyang agent na si Anton Brodett ng Phenom Sports Clinic, inilayo muna ni Malonzo ang kanyang sarili sa buong mundo ng halos isang linggo dahil sa nangyari, at para makapagpokus muli sa kanyang pagbabalik. 

Ngunit, ito’y hindi dahil sa hiya na siya ay nabugbog, kung hindi dahil sa hiya na nararamdaman ng 6-foot-7 forward sa kanyang koponan na Barangay Ginebra at Gilas Pilipinas.

“Definitely, it’s been a lot for me. Just credit to my team. They were checking on me. Throughout all that process, they had my back. I have to give credit to my team.” ibinahagi ni Malonzo, habang sinusubukan na hindi maiyak.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagpapagaling ni Malonzo. Kahit nakakapaglaro na, kita sa kanyang pagbabalik na maga pa rin ang kanyang kaliwang mata na kanyang natamo sa nasabing away.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter