fbpx
Search
Close this search box.

Jamie Malonzo bugbog sarado sa isang MMA fighter

by Bryan Gadingan

ILANG oras bago ang laro sa FIBA Asia Cup Qualifiers 2025, isang bidyo ang kumalat online, kung saan makikita si Gilas Pilipinas player Jamie Malonzo na napa-away sa isang fast food chain sa Bonifacio Global City.

Sa video, makikita ang Gilas forward na walang kalaban-labang pinagsusuntok ng isa palang nagsasanay na mixed martial artist.

Photo Courtesy: SPIN.ph

Hindi malinaw kung ano ang puno’t dulo ng insidente. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, hindi raw nagkaunawaan ang dalawang kampo.

Umani ng halo-halong reaksyon ang nasabing video lalo’t hindi lumalaban si Malonzo. Pero mapapansing ang high-flying Gilas player na nakainom at wala sa tamang wisyo.

Ayon naman kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone, hindi nakapaglaro ang 6-foot-5 forward dahil sa gastroenteritis.

“He’s sick. It’s a medical thing so I don’t want to talk too much about it,” sagot ni Cone nang tanungin kung bakit hindi nakasipot si Malonzo sa laro.

“Actually, he and Justin (Brownlee) were both sick coming home from Hong Kong and we were really afraid that neither of them would play but Justin bounced back. Jamie, we had to contemplate and bring him to the hospital. He’s down and out,” dagdag niya.

Nabanggit din ni Marcial na sumama ang pakiramdam ng Gilas forward nang mag-positive sa COVID-19 pagkauwi ng team mula Hong Kong.

“We contemplated bringing him to the hospital. He’s that down and out. We sent our doctors over to him and put him on IV, but I think maybe some of the guys just got dehydrated severely on the trip and we didn’t hydrate well after that,” ayon kay Cone.

Hindi naman napatawan ng anumang suspension ang player matapos madawit sa isang off-court issue. Humingi na rin ng tawad si Malonzo sa PBA, sa kanyang team na Barangay Ginebra San Miguel, pati na rin sa Gilas Pilipinas at SBP.

“Sabi niya I want to apologize to you, the PBA, Gilas, SBP and the fans,” Marcial shared.

“In-accept ko ang apology niya.”

Bago ang insidente, maganda ang ipinakita ni Malonzo sa laro nila kontra sa Hong Kong. Nakapagtala siya ng 11 points sa 94-64 na panalo ng Gilas Pilipinas.

As of this writing, wala pa ring malinaw na dahilan sa viral video. Hiling naman ng Presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Al Panlilio, mag-move on na sa nasabing kontrobersiya.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter