fbpx
Search
Close this search box.

Maki, nag-trending nang burahin ang new song spoiler

by Joanna Deala

DID Maki just drop a spoiler for his new song?

Palaisipan ngayon sa fans ni rising R&B singer Maki ang kanyang Instagram post na may kalakip na voice memo kung saan maririnig na may ka-duet siyang Pinay singer.

Hinala ng fans, bagong collaboration song ito kasama ang Filipina singer-songwriter na si Angela Ken na nakilala sa kanyang mga kantang “Ako Naman Muna” at “It’s Okay Not to Be Okay.”

Deleted na ang Instagram post ni Maki pero may ilang fans ang nakapag-screen record nito at ibinahagi sa X (dating Twitter).

Bahagi ng naturang kanta ang lyrics na “Ikaw na lang ulit; Tayo na lang ulit.”

Sa screenshot ng netizen na si @fitzg_too, makikitang nag-comment din sa now-deleted post si Angela Ken at sinabing “OMYGHADDDDD KAAAAA.”

Nag-trend sa X ang katagang “MAKI ANO YON” nang mag-react ang ibang fans sa post ni Maki.

“So kelan release neto??? Ihahanda ko lang puso ko huhu,” sabi ni @fitzg_too.

“What is the meaning of this?” comment naman ng isang netizen.

Nagtatanong naman ang ilang social media users kung kailan ilalabas ni Maki ang collab song.

May series of posts naman si Maki sa X tungkol sa kanyang Instagram post.

“Lagot ako hahahaha,” sabi niya.

“Ano ba kasi yon,” dagdag niya pa.

Nagbahagi naman si Maki ng ilang litrato niya na nakaupo sa loob ng isang classroom. Sabi niya sa caption, “eto yon.”

Sa ngayon, wala pang official announcement sa bagong kanta ng R&B singer.

Nitong nakaraang buwan, naging usapan din ng fans ni Maki, o kilala bilang Zushis, ang patikim na English version ng “Saan?” ng singer. Hindi pa sigurado kung maglalabas si Maki ng full English version ng kanta pero ito ang hiling sa kanya ng fans.

Ni-release ni Maki ang kanyang latest single na “HBD” nito lamang Enero, na ngayo’y pumalo na sa higit isang milyon ang stream sa digital music platform na Spotify.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter