fbpx
Search
Close this search box.

LIST: Theater productions sa March 2024

by Joanna Deala

PANIBAGONG buwan, panibagong mga palabas!

Bukod sa mga bagong pelikula at teleserye para sa cinephiles, sunod-sunod din ang mga theater production na mapapanood ng theater fans ngayong Marso.

Sari-saring tema mula sa pag-ibig, kasaysayan, mga selebrasyon ngayong buwan, at mga isyung kinakaharap ng kasalukuyang henerasyon—lahat matutunghayan sa mga sumusunod na theater productions:

Pingkian: Isang Musikal

Photo courtesy: Tanghalang Pilipino | Facebook

Muling nagbukas ang kurtina sa Tanghalang Ignacio Gimenez, o ang bagong CCP Black Box Theater, para sa pagtatanghal ng “Pingkian: Isang Musikal.” 

Iikot ito sa buhay ni Heneral Emilio Jacinto, mula sa pagtatapos ng Philippine revolution noong 1898 hanggang sa pagsisimula ng Philippine-American War noong 1899. 

Gaganap si Vic Robinson bilang Jacinto, o kilala rin bilang Pingkian sa Katipunan. Si Gab Pangilinan naman ang gaganap bilang asawa ng heneral na si Catalina de Jesus.

Isinulat ang historical stage musical ni Juan Ekis at magsisilbing final production ng 37th theater season ng Tanghalang Pilipino, ang resident drama company ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Sinundan nito ang “Anak Datu” at “Sandosenang Sapatos,” na una nang ipinalabas ng Tanghalang Pilipino noong 2023.

Nagsimula nang ipalabas ang “Pingkian: Isang Musikal” noong March 1, hanggang March 24.

Spirit of the Glass

Photo courtesy: Tag-ani Performing Arts Society | Facebook

Bagong theater play naman ang handog ng playwright na si Bonifacio Ilagan para sa theater fans. Ito ang “Spirit of the Glass” ng Tag-ani Performing Arts Society.

But wait, hindi ito literal na tatalakay sa multo na isang Philippine mythical creature, at lalong hindi ito theater version ng sikat na horror film na may parehong pamagat noong 2004.

Ang “Spirit of the Glass” ay kuwento ng dalawang college instructors na na-red-tag at hina-harass ng state security forces dahil sa kanilang book manuscripts. Dahil dito, napilitan silang manirahan sa isang ancestral house ng kanilang kaibigan.

Nanggaling ang ideya para sa nasabing play noong nagbaba ng memorandum ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) na nagba-ban sa ilang libro na umano’y “subversive” at “anti-government” sa mga pampublikong paaralan at silid-aklatan. Napawalang-bisa rin ang memo matapos nitong umani ng batikos.

Ang “Spirit of the Glass” ay ipapalabas mula March 8 hanggang 10 sa IBG-KAL Theater ng University of the Philippines-Diliman sa Quezon City.

The 25th Annual Putnam County Spelling Bee

Photo courtesy: The Sandbox Collective | Facebook

Kung fan ka naman ng musical at comedy, narito ang “The 25th Annual Putnam County Spelling Bee” ng The Sandbox Collective na bubusugin ka sa halakhak.

Iikot ang kuwento ng interactive musical comedy na ito sa anim na kabataang naglalaban-laban para maging isang spelling champion.

Nakipag-collaborate ang The Sandbox Collective sa ABS-CBN, Star Magic, at Teatro Kapamilya para sa production ng “The 25th Annual Putnam County Spelling Bee.” Kabilang sa musical ang mga Kapamilya stars na sina AC Bonifacio, Krystal Brimmer, Shanaia Gomez, Angela Ken, at Jordan Andrews.

Nag-debut ang “The 25th Annual Putnam County Spelling Bee” sa Broadway noong 2005. Ipinalabas muli ito sa Pilipinas nitong nakaraang buwan, na matatapos sa March 17, 2024 sa PowerMac Center Spotlight Blackbox Theater sa Circuit Makati.

Miss Saigon

Photo courtesy: GMG Productions | Facebook

Malapit na ring ipalabas sa bansa ang Tony Award-winning musical na “Miss Saigon” ng GMG Productions, ang theater company sa likod ng “Hamilton” production sa Pilipinas.

Ang “Miss Saigon” ni Cameron Mackintosh ay tungkol sa isang young Vietnamese woman na nagngangalang Kim, na iniwan ng kanyang kasintahang si Chris, isang sundalong Amerikano noong Vietnam War. Nagkaroon sila ng anak na lalaki na si Tam. Nagmula ang kwento ng “Miss Saigon” sa 1904 opera na “Madame Butterfly” ni Giacomo Puccini.

Bibida ang 19-year-old Filipino-Australian na si Abigail Adriano sa Manila show ng naturang musical. Siya ang magbibigay-buhay sa karakter ni Kim.

Ipalalabas ang “Miss Saigon” sa March 23 sa Theatre at Solaire sa Parañaque. Sa May 5 sana ito nakatakdang magtapos pero dahil in-demand ang musical sa Filipino theater fans, in-extend ng GMG Productions ang theater run nito hanggang May 12.

Limang Daan

Photo courtesy: Ballet Philippines | Facebook

Ngayong Marso, ipinagdiriwang din ng bansa ang Women’s Month, kung saan kinikilala ang mga kontribusyon ng mga kababaihan sa kasaysayan, kultura, at lipunan.

Itatanghal ng Ballet Philippines ang “Limang Daan,” isang full-length original ballet na tatalakay sa kwento ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang henerasyon at ang paghihirap na kanilang dinanas sa mga nagdaang siglo.

Layon ng “Limang Daan” na ipakita sa mga manonood ang feminism sa bansa, habang tinatampok ang iba’t ibang dance styles sa entablado.

Mula March 8 hanggang 10 ipapalabas ang “Limang Daan” sa Theatre at Solaire.

Papet Pasyon

Photo courtesy: Teatrong Mulat ng Pilipinas (Mulat Theater) | Facebook

Bukod sa Women’s Month, ngayong Marso rin ginugunita ng mga Pilipinong Katoliko, ang Semana Santa.

Bilang bahagi ng taunang Lenten tradition, ipapalabas ng Teatrong Mulat ng Pilipinas ang “Papet Pasyon,” isang puppet passion play tungkol sa buhay at kamatayan ni Hesu Kristo. Para ito sa mga kabataan, maging sa mga young at heart.

Una itong ipinalabas noong 1985 sa CCP at itinanghal na rin sa iba’t ibang lugar sa bansa tulad sa mga simbahan at eskwelahan.

Ngayong taon, ipapalabas ang puppet passion play sa Amelia Lapeña-Bonifacio Teatro Papet Museo sa Quezon City sa Palm Sunday, March 24.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter