fbpx
Search
Close this search box.

ALAMIN: Paraan kung paano palaguin ang ipon

by Bryan Gadingan

KADALASAN, kapag tayo ay nagtatabi ng pera, sa alkansya o sa iba’t ibang lugar na ating pinag-iipitan, hindi lumalago ang pera na ito. Maaaring hindi natin ito nagagastos, ngunit pareho parin ang halaga nito.

Ang iba naman sa atin ay mas pinipiling ipasok na lamang ito sa bangko bilang savings account, upang kumita ito ng kahit konting interest habang tumatagal ang pera natin sa ating account, anong bangko man ito ipasok.

Ngunit ayon sa ilang money experts, isa sa pinaka epektibong paraan upang lumago ang pera natin ay kapag pinasok ito sa isang time deposit account.

Ang time deposit account ay kumikita ng interest pagkatapos ng maturity date. Kung ikukumpara sa savings account, pwede ka lamang magwithdraw sa account na ito kapag tapos na ang maturity date nito.

Mapipilitan kang hindi galawin ang perang naipasok, sapagkat mayroong penalties at payment of documentary stamp and withholding tax kapag ikaw ay nag-withdraw bago ang takdang maturity date.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News (LINK), may 6% interest sa Tonik Bank pagkatapos ng six months, 6.5% interest sa UNO Digital Bank pagkatapos ng 12 months, at 6.75% naman after one year sa Union Digital Bank.

Habang ang fintech application naman na Maya ay mayroong 3.5% interest sa loob ng three, six, o twelve months, ang CIMB naman ay mayroong 7% interest pagkatapos ng 24 months, at GoTyme na may 3.5% after six months.

Nakapanayam din ang 31-year-old na si Erik na nagtatrabaho bilang business analytics, at ibinahagi niya na siya ay nagbukas ng time deposit accounts sa Uno at Union Digital dahil malaki ang makukuha niya dito at hindi lalagpas ng anim na buwan ang itatagal.

“I might need the money for possible investments. Does it help? Well, every little bit counts. I always say, any money that isn’t spent or invested is money wasted,” ibinahagi niya.

Ibang paraan para lumago ang ipon

Bukod sa time deposits, mayroon pang ibang paraan upang makapagpalago ng mga perang pinag-ipunan natin, at ito ay ang Pag-IBIG Fund’s Modified Pag-IBIG II (MP2)

Ang Pag-IBIG MP2 ay isang boluntaryong savings program sa loob ng limang taon na maturity para sa mga active members. Ito ay para sa mga indibidwal na nais makapagtabi ng mas malaki, at makakuha ng mas malaking dividends kumpara sa regular account.

Si Alexander Villafania, isang 46-year-old na nagttrabaho sa isang malaking financial insitution ay nasubukan ng mag-invest sa nasabing savings program. 

Bukod pa rito, siya rin ay nakasubok ng mag-invest sa time deposits, stocks, bonds, unit investment trust funds, at variable universal life insurance. 

“So far, I’m happy with my investments. There have been a few times that I’ve lost money but since I monitor the markets intently, I can anticipate if and when I need to pull out. If I did lose money, it’s only minimal,” ipinaliwanag niya.

Paalala ng isang economist

Kapag susubok sa pag-invest, dapat tandaan na magkakaiba ang sukat ng bawat investment na ating gagawin. Madalas ay nakabase rin ito sa kakayanan nating magpasok ng anumang halaga ng pera.

“Pagdating kasi sa investment, parang damit yan. Hindi lahat ng investment, one-size-fits all,” paalala ni RCBC Chief Economist Michael Ricafort.

“So iba-ibang tao, iba-ibang sukat , iba-iba din ng type,” idinagdag niya, bilang paalala sa lahat ng nagnanais mag-invest para sa kanilang future, maski sa mga nagnanais palakihin ang ipon.

Para sa kanya, dapat rin pagsamantalahan ng mga tao ang oportunidad ng pagdami ng mga investment programs, hindi man bangko o fintech apps, maaari ring sa lupa mag-invest ang mga tao.

“Lalo na ngayon at least, medyo may mga professional fund managers na, na pwedeng mag-manage on behalf ng iba-ibang funds, yun tung mga ino-offer like ng mga bangko, pati yung mga ibang investment funds. So pwede naman sila mamili, para ma-maximize din.”

Higit na makabubuti rin kung sariling pera ang gagamitin, at siguraduhin na extra ipon ito, upang hindi mapilitang i-withdraw agad ang deposits kapag kinailangan ang pera. Anya, dapat may nakatabing pera para sa lahat ng bagay.

“There is no such thing as perfect timing when investing. Instead, use time to let your money grow. Some take years to grow and rely on compounding interest to grow even more,” idinagdag niya.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter