fbpx
Search
Close this search box.

Kape ngayong tag-init, dapat bang iwasan?

by Bryan Gadingan

WALANG ibang makatatalo sa pagmamahal ng Gen Zs sa pag-inom ng kape, kung iisipin nga ay parang tubig na rin turing nila rito sa dalas ng pag-inom nila ng kape. 

Kung ikaw nga ay mabibisita sa iba’t ibang social media platforms, ang kadalasan na makikita mong story/post ng mga Gen Z, kung hindi sila nasa bahay at umiinom ng kape, sila ay nakatambay sa coffee shop at nagkakape.

Sa pagsikat ng coffee shop culture, lalong lalo na sa ating bansa, hindi nakakagulat na isa ang mga Gen Zs sa tumatanglik sa kape at ang ideya nito bilang pampaalab sa kanilang fast-paced na buhay.

Ang kape ay kadalasang takbuhan ng mga Gen Zs kapag nais nilang mag-all-nighter, lalong lalo na kapag bumubuhos ang dami ng kanilang mga kailangang gawin para sa school.

Ngunit, ligtas nga ba ang madalas na pag-inom nito? Ngayong tag-init, maaari nga ba itong makaapekto sa katawan ng isang tao? Alamin natin.

Ang epekto ng kape ngayong tag-init

Unang una sa listahan ng maaaring ma-experience ng mga Gen Z, o iba pang henerasyon na mahilig sa kape, ay ang mga cardiovascular issues.

Ang madalas na pag-inom ng kape ay maaaring mauwi sa pagtaas ng heart rate at blood pressure, na maaaring mailagay ang isang indibidwal sa panganib ng nagbabadyang cardiovascular problems.

Ito ay nakakabahala lalo na sa init ng panahon na dala ng El Niño ngayong summer season. Ayon sa isang pag-aaral ng National Institute of Health na ibinalita ng GMA News, mayroon pang ibang epekto sa katawan ang kape.

Ngayon na grabe ang init ng panahon, maaaring magdulot ito ng pagpapawis, na nagcocontrol din sa init ng katawan. 

Ayon din sa isang doktor mula sa East Avenue Medical Center, ang kape ay maaaring magdulot ng dehydration sa katawan ng isang indibidwal, lalo na kung madalas ang pag-inom nito.

“It has diuretic effect. Puwedeng umihi ka nang umihi, so ibig sabihin mawawala ‘yung tubig sa katawan mo so puwede ka ma-dehydrate,” ibinahagi ng doktor na si Dr. John Paul Ner.

“If mainit ang panahon, you stay hydrated. So you drink any liquid na you think makakatulong ma-hydrate ‘yung katawan mo,” idinagdag ni Ner. 

Payo naman ni former Health secretary Jaime Galvez Tan, mas makabubuti parin kung mineral water ang maging panangga ng mga Gen Z sa init na dala ng summer season, at para maging hydrated sa buong araw.

Ang mineral water ay may dalang electrolytes na nangangasiwa sa pag-function ng nerves at muscles ng katawan. Nakatutulong din ito upang mabalanse ang blood acidity at pressure ng ating katawan.

Kaya naman, mas makabubuting damihan ang tubig lalo na sa panahon ngayon. Iwasan din muna ang mataas na intake ng sugar, dahil hindi ito makabubuti sa ganitong panahon.

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter