fbpx
Search
Close this search box.

HORI7ON, naglabas ng bagong single na ‘Lucky’

by Joanna Deala

NAGDIRIWANG ang Filipino ANCHORs, o fans ng South Korea-based Filipino boy group na HORI7ON, ngayong nasa bansa muli ang kanilang mga idolo para sa kanilang music comeback ngayong taon.

Busy ang fans sa pagtulong sa grupo na i-promote ang kanilang bagong single na “Lucky,” na ni-release kahapon, March 2.

First time on Philippine stage pinerform ng HORI7ON members na sina Vinci, Jeromy, Marcus, Kyler, Reyster, Winston, at Kim ang bagong kanta sa kanilang “Daytour” comeback showcase na ginanap sa isang mall sa Taguig City.

Makikita sa video ng isang fan kung paano i-hype ng fans at ng septet ang isa’t isa habang pine-perform ang “Lucky.”

Hindi rin pinalampas ng HORI7ON ang pagkakataong ituro ang choreography ng kanta sa ANCHORs. 

Sa post ng Philippine Concerts sa X (dating Twitter), mismong main dancer ng grupo na si Jeromy ang nagturo ng point choreography ng “Lucky” sa harap ng daan-daang fans sa naturang event. Parte ng dance moves ang pag-spell out sa pangalang “HORI7ON.”

Ang “Lucky” ay isang upbeat track tungkol sa young love, kung saan inihayag ng members ang kanilang feelings sa taong gusto nila. Isinulat ang lyrics sa Korean at English.

Bukod sa comeback showcase performance, nag-release na rin ang HORI7ON ng music video ng “Lucky,” kung saan sinabayan ng members ang upbeat song ng kanilang bright and youthful energy habang ine-explore ang South Korea.

Sa ngayon, umabot na sa 138,000 views ang music video sa YouTube.

Nag-comeback sa music scene ang HORI7ON, ilang buwan matapos nila i-release ang kanilang debut studio album na “Friend-SHIP” noong 2023.

Mensahe sa fans 

Matapos ang naturang event, nagbahagi ang bawat miyembro ng kani-kanilang mensahe para sa fans sa X.

Ayon sa lider ng grupo na si Vinci, ikinatuwa niya ang pag-celebrate ng kanilang comeback kasama ang Filipino fans.

Masaya rin ang pinakabatang miyembro na si Marcus na ginanap sa Pilipinas ang kanilang comeback showcase. Espesyal din para sa vocalist na si Winston na sa bansa nila pinerform ang “Lucky.”

Pinasalamatan naman nina Kim at Kyler ang fans na matiyagang naghintay para sa kanilang comeback song.

Samantala, na-appreciate ni Reyster ang efforts ng kanilang fans para maipakita ang suporta sa grupo.

Para kay Jeromy, nilo-look forward niya ang upcoming activities ng grupo ngayong simula na ang kanilang promotions para sa “Lucky.”

Debut 

Opisyal na nag-debut ang HORI7ON noong July 2023 sa South Korea, kung saan pinerform nila ang kantang “SIX7EEN” sa isang music program. Binuo ang grupo ng MLD Entertainment, isang South Korean entertainment agency, at ng ABS-CBN sa pamamagitan ng survival reality show na “Dream Maker.”

Baguhan man sa music industry, hindi mapagkakaila ang kasikatan ng grupo lalo na sa P-pop at K-pop fans.

Ilang buwan lamang matapos nilang mag-debut, nagkaroon na agad ng first-ever concert ang global pop group na tinawag na “Friend-SHIP: Voyage to Manila” sa Araneta Coliseum.

Umani na rin ng ilang parangal ang HORI7ON kabilang na ang Top Global Artist of the Year award sa PPOP Awards 2023, Rising Star Award mula sa 11th Korean Wave Awards, at AAA Focus Award sa 2023 Asia Artist Awards (AAA).

SUPPORT REPUBLICASIA

DON'T MISS OUT

We have the stories you’ll want to read.

RepublicAsia Newsletter