SINO ba naman ang ayaw yumaman? Sa panahon ngayon, ang hirap nga lang talaga makahanap ng isang pagkakakitaan na magdadala ng agarang pera.
Subalit para sa mga Gen Zs, sila ay lumaki sa digital age, kung saan ang impormasyon ay mabilis ng makuha. Kaya naman, ang mga Gen Zs ay hindi takot na sumubok sa anumang industriya na kanilang susubukin.
Gaya na lamang ng isang 21-year-old Gen Z na babae na nagbahagi sa GMA na siya ay kumikita ng halos P100,000 kada buwan, sa paraan lamang ng pagbebenta ng yelo.
Photo Courtesy: Jodielyn Santos Ugalde | Facebook
Ayon sa programang “Kapuso Mo Jessica Soho” ng GMA, si Jodielyn Ugalde at ang kanyang pamilya ay nagsimulang magbenta ng yelo para lamang sa kanilang karinderya.
“Nagsimula kaming magtinda ng yelo dahil sa karinderya namin. Imbes na bumili kami sa iba ng yelo, kami na lang ang gumagawa,” ikwinento ni Jodielyn.
“Dati, hiniram lang namin ‘yung freezer sa tito ko. May mga paisa-isang bumibili sa amin hanggang sa dumami sila nang dumami!” dinagdag niya.
Ngayon, siya at ang kanyang pamilya ay nag-susupply na ng ice sa iba’t ibang market na kumikita na ng halos P65,000 to P90,000. “Hindi namin inaasahan! Nagkaroon na kami ng mga suki. Halos araw-araw na kami nauubusan ng yelo!”
Tunay ngang hindi inaasahang kikita ang isang indibidwal ng ganito kalaking halaga ng pera sa pagbebenta ng yelo. Ngunit, nakakatuwa na makita ang isang Gen Z na katulad niya ay sumubok na magnegosyo.
“Ngayon, nag-susupply na kami sa mga bagsakan at public market. Ang minimum na naide-deliver namin araw-araw is nasa 350 hanggang 500 piraso ng yelo,” sabi niya.
Si Jodielyn din ay tinaguriang “Yelo Queen” ng Isabela. Sa ngayon, ginagawa na ring content ng Gen Z na ito ang pagbebenta nila ng yelo, at ang kanilang paglalakbay sa business industry sa kanyang Facebook page na, Miss Yelo TV.
“Vina-vlog ko na rin ngayon ‘yung tungkol sa business namin. Hindi ko naman po inaasahan nan magva-viral. May mga nagko-comment na po sa akin na, ‘CEO ba kayo ng yelo? Yelo Queen ka ba?,” sabi niya.
Patunay lamang ito na ‘wag natatakot sumubok sa anumang naiisip na negosyo, pero mas makakabuti rin kung pag-aaralan ng husto ang mga negosyong pinapasok oara makaiwas sa anumang pagkalugi.
Gaya ni Yelo Queen, nawa’y maengganyo ang iba pang Gen Z na subukan maghanap ng pagkakakitaan at magsimulang magnegosyo.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?