PATOK na patok ngayon ang paresan ng internet personality na si Deo Balbuena, o mas kilala online bilang Diwata.
Dinudumog ng kanyang mga suki ang kanyang Diwata Pares Overload sa Pasay, City na nakilala dahil sa malinamnam na beef pares na may unli sabaw, kanin, at libreng softdrinks sa presyong P100 lamang.
Screenshot from: @Boss Toyo Production | YouTube
Pero hindi nakalilimot si Diwata sa kanyang hirap na pinagdaanan bago narating ang tagumpay niya ngayon.
Para sa kanya, simbolo ng kanyang pagpupunyagi ang kanyang unang kaldero kung saan niya niluto ang kanyang mga pangarap.
Hindi pinalagpas ni Diwata ang pagkakataong ito upang ibenta ang kanyang unang kaldero sa pagpapares sa halagang P3,000.
Sa video na pinost ng Pinoy Pawnstars na si Boss Toyo, ikinuwento ni Diwata na gamit pa niya ang kaldero noon pang 2020 nang siya ay nagsisimula pa lamang magtinda sa kariton.
“Ito naman, kaya ko ito binebenta, kasi may sentimental value ito sa ‘kin. Noong nagsimula kasi ako magpares, ito na talaga ‘yung kaldero ko,” ibinahagi ng online viral sensation na si Diwata.
“Nagsimula ako 2020, kaya lang noon naka-cart lang ako. Nag-start kasi ako sa pagpapares, cart lang siya. May nagbenta sa ‘kin ng second hand na cart tapos bumili ako ng kaldero.”
Para kay Diwata, hindi lamang ito basta kaldero, dahil naging saksi ito sa bawat laban niya sa buhay. Isa raw ang kalderong ito sa natira sa kanyang mga gamit, tuwing madadaanan ng mga clearing operation noon.
“Actually ‘yung cart na ‘yun wala na ‘yun eh, na-clearing din ‘yung eh, kinuha ng clearing operations, hindi ko na natubos. Ito, naiwan ‘yung kaldero ko. May butas na siya pero pwede namang tagpian na lang natin,” sabi niya.
Tubong Davao si Diwata. Nang lumuwas siya sa Maynila, iba’t ibang trabaho ang pinasok niya.
Hindi na pinresyuhan ni Diwata ang kaldero. At dahil isa ring pares store owner si Boss Toyo alam din niya kung magkano ang presyo ng isang malaking kaldero na gaya nito.
Hindi man kamahalan ang pagkabenta niya, ayon kay Diwata, ang mahalaga ay naibahagi niya ang istorya sa likod ng kalderong nagbigay kasiyahan sa kanyang mga parokyano at suki.
At ngayong nakakamit na ni Diwata ang kanyang mga pangarap sa pamamayagpag ng kanyang paresan, mananatili pa ring nakasayad ang kanyang mga paa sa lupa upang hindi makalimot sa nakaraan habang nakatanaw sa kinabukasan.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?