fbpx

Triplet mom, inspirasyon sa social media

by Bryan Gadingan

BINIBIGYANG pugay ngayong National Women’s Month, ang isa sa malaking bagay na ginagampanan ng mga kababaihan sa ating komunidad—ang pagiging ilaw ng tahanan tulad ng ating mga ina.

Tulad ng maraming pagsubok sa isang ina upang maalagaang mabuti ang pamilya, higit ang hirap kung ikaw ay single mom.

Patunay na lamang ang naging hamong ito para sa isang 29-year-old single mom na si Mariz Matibag na kasalukuyang nagpapalaki ng kanyang triplets. Bukod sa 1-year-old triplets, may 5-year-old panganay siya.

Dalawang linggo lamang matapos maisilang ang kanilang triplets, pumanaw ang kanyang mister. Isang bagay na nakadagdag sa mabigat niyang dalahin. Malaki ang takot niya kung paano niya bubuhayin ang mga mga anak

“Yung depression, nakalimutan ko nang alagaan yung sarili ko. Bumagsak yung katawan ko dati kasi from 50 kilos ako sa kanila noon, bumagsak ako ng 37 kilos,” ibinahagi ni Mariz sa segment ng ABS-CBN na Tao Po.

Mahirap magpalaki ng apat na anak, lalo na’t siya mag-isa lang. Doble kayod upang mapunan ang lahat ng pangangailangan ng mga bata.

Kaya naman, naisip ni Mariz na maghanap ng pagkakakitaan na hindi kinakailangang umalis ng bahay upang mabalanse ang kanyang oras. Nagsimulang mag-post ng videos online ang 29-year-old solo mom noong nakaraang taon.

“Ang pinakanakatulong talaga sa akin yung mga tao, doon ko talaga nalaman yung halaga nang buhay kasi syempre nashe-share nila yung stories nila sa akin na parang ang babaw ko naman kung bibigay na ako,” sabi ni Mariz.

“Merong iba, may triplets din pero mas mahirap pa yung pinagdadaanan sa akin. So, sabi ko magiging way ako para din sabihin sa kanila na laban lang,” idinagdag niya.

Tunay ngang mahirap ang pinagdaanan ng single mom na ito, ngunit para sa kanya kailangan lang na patuloy ang paglaban nila upang mataguyod ang kanilang pamilya. Nagbigay naman ng payo si Mariz sa mga kapwa niya single mom.

Doon sa mga nahihirapan na nanay, laban lang! Huwag na huwag maggigive-up at bigyan niyo nang oras yung sarili niyo. Mag-ayos ka or lumabas ka, kahit yun lang. Kapag nabigyan mo nang oras ang sarili mo, magiging okay ka. Mas maaalagaan mo sila ng maayos.”

At tulad ni Mariz, sa kabila ng hirap na pinagdadaanan araw-araw ng mga single mom, katatagan at determinasyon sa buhay ang magsisilbing liwanag upang mapunan ang pagpapabuti sa kanilang mga anak, na lalong nagpapatingkad ngayong ipinagdiriwang ang Buwan ng mga Kababaihan.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.