fbpx

Transgender woman, bawal sa CR ng babae?

by Bryan Gadingan

NAG-TRENDING sa social media ang isang video ng transgender woman na nakipagtalo sa lalaking may-ari ng tinutuluyan niyang hostel sa Legazpi City, matapos gamitin ang CR ng mga babae.

Sa iniulat ng GMA News, kitang kita sa video na pinost ng trans woman na ito ang kanilang pagtatalo ng may-ari na kalaunan naman ay inawat rin ng asawa ng may-ari at hiniling na itigil na niya ang pagkuha ng video.

“The owner was really shouting at me, saying na I’m not a true woman, and my sex at birth is a man. So it does not give me a right to use [the comfort room],” sabi ni Jules Balais sa kanilang panayam.

Makikita rin sa kaniyang video na paulit-ulit niyang sinasabi na “Don’t call me Sir,” patunay na siya ay nakaranas ng diskriminasyon mula sa may-ari ng naturang hostel.

Mula sa insidenteng ito, paiigtingin lalo ng Albay provincial government ang implementasyon ng kanilang ordinansa laban sa diskriminasyon sa sexual orientation, gender identity, and gender expression o SOGIE.

Base sa anti-SOGIE discrimination ordinance ng Albay, kabilang ang pagbabawal o paglilimita sa paggamit ng public accomodation tulad ng banyo sa SOGIE ng isang tao bilang diskriminasyon.

Sabi naman ni Albay Governor Grex Lagman, ang may-akda ng anti-SOGIE discrimination ordinance, na makikipagtulungan din sila sa pulisya para sa mas mahigpit pang implementasyon nito.

Bukod pa rito, handa naman na makipag-areglo si Jules Balais, at hiling lamang niya na palawakin pa ang pang-unawa ng publiko tungkol sa kanilang karapatan.

Sa mga nakalipas na taon, madalas naka-experience ng diskriminasyon, systematic inequalities, at mga personal na laban ang mga taong nasa sektor na ito.

Ang mga ganitong experiences ay isang malaking pagsubok sa kanilang mental at physical health, dala ng mabigat na pakiramdam na kanilang natatanggap sa ating lipunan. 

Ang pagsugpo sa ganitong klaseng issue ay malaking bagay para sa sektor na ito. Nararapat lamang na maging boses para sa kanila, para maipaglaban ang kanilang karapatan upang maalis ang takot sa kanilang mga puso.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.