NGAYONG tag-init, isa sa pinaka patok na destinasyon para sa mga netizens ay ang dagat o anumang katawang tubig, upang makapag-relax at makapag palamig man lang kahit papaano.
At dahil marami nga ay mas pinipiling magpunta sa mga lugar na ito, punong puno rin ito ng mga tao. Gaya ng nag-trending na Taytay Falls sa Laguna City, kung saan mas kita pa ang dami ng tao kaysa sa mismong falls.
Sa post ng netizen, ibinahagi niya na nakumpirma pa nila sa receptionist ng lugar na maaari pa silang makapasok kahit pa punong puno na ng sasakyan ang paradahan ng nasabing resort.
Pagkatapos nilang magbayad ng entrance fee na P50 at parking fee na P20, laking gulat na lamang nila ng salubungin sila ng napakaraming tao na mas tanaw pa kaysa sa falls, noong sila ay nakapasok.
“Pagkatapos kumain ay lumakad na kami papuntang Falls para makaligo na at makapagpalamig, tuloy-tuloy lang ang pasok ng tao kaya ready na kami at naka mindset na hindi kami makakapwestong maayos sa loob,” sabi ng netizen.
“Pero hindi namin sukat akalain na ganito ang makikita namin habang papalapit na kami sa falls. LITERAL na “Tao na may kaunting Tubig.”
Gaya nga ng pagkaka-describe ng netizen na ito, tila parang nasa isang palengke raw sila dala ng dami ng tao at ingay na dala ng bawat indibidwal na naunang nakapwesto sa falls na ito.
“Panget man sabihin pero, para kaming nasa palengke! Walang sulok na matatanaw na walang tao. Kaliwa’t kanan ang sounds mula sa kanya-kanyang speakers. Naawa ako sa sitwasyon ng lugar, lalong-lalo na para sa Taytay falls.”
Ayon sa netizen na ito, hindi naman niya nais bigyan ng masamang imahe ang falls na ito. Ngunit, hiling din niya na pamahalaan ito sa mas mabuting paraan, upang maiwasan ang pagpasok ng napakaraming tao.
Photo Courtesy: The A Family PH | Facebook
“Hindi naman masama na pagkakitaan ang kalikasan pero sana maging responsible tayo sa pamamahala dito,” hiling ng netizen, matapos makaranas ng ganitong pangyayari.
“Madamot man pakinggang pero sana, kung crowded na ang lugar ay pwede naman sigurong pagbawalan ng pumasok ang ibang mga magpupunta o di kaya mag set lang number of guests na pwedeng makapasok sa bawat araw.”
“Hindi man nakakapagsalita ang kalikasan pero nasasaktan din sila kagaya ng tao, at kung sana ay kaya lang nilang magsalita’ MAS MA-IINTINDIHAN natin sila,” dagdag ng netizen.
Gaya ng resort na ito, dinagsa rin ng tao ang comments section, kung saan maraming netizens ang hinihiling ang higit na mas maayos na paghawak sa Taytay Falls.
Pinagkakakitaan man, tama lang na ingatan din ang kalikasan. Hindi man natin naririnig ang pagdaing nito, ngunit kailangan pa rin natin masiguro na napapanatili natin ang tiyak na kalagayan nito.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?