fbpx

Sine Kabataan, bukas na para sa aspiring filmmakers

by Joanna Deala


ISA ka ba sa mga aspiring filmmaker na may natatanging konseptong pampelikula? Make it reel! 

Bukas na ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa mga story concept mula sa Pinoy filmmakers, edad 18 hanggang 30, para sa ika-pitong edisyon ng Sine Kabataan Short Film Lab and Festival.

Ang Sine Kabataan Short Film Lab and Festival ay kompetisyong inorganisa ng FDCP para sa mga kabataang direktor kung saan maipamamalas nila ang kanilang talento sa storytelling at matalakay ang mga mahahalagang isyung kinakaharap ng kasalukuyang henerasyon.

Layon din nitong pagyamanin ang pagkamalikhain ng mga kabataan at suportahan ang produksyon ng kanilang mga pelikula.

Para sa mga gustong sumali, kinakailangang nakagawa na ng kahit isang short film.

Sagutan din ang application form na inihanda ng FDCP, na maglalaman ng personal information at detalye ng kanilang pelikula tulad ng logline, plot, concept, wikang ginamit, at financial plan at isumite sa [email protected] na may subject na “Application for Sine Kabataan 2024.”

Tatanggap ang FDCP ng entries hanggang March 8, 2024.

Entry requirements

Bukod sa application form, kailangan ding magsumite ng mga lalahok sa Sine Kabataan Short Film Lab and Festival ng online link sa dati niyang short film gamit ang Vimeo o Google Drive. Dapat naka-private setting at password ang link.

Idagdag na rin ang brief resume, HD profile photo, at kopya ng government-issued ID ng filmmaker.

Dapat na naka-PDF format ang ipapasang story concept o script.

Guidelines

Para sa story concepts, kailangang tumatalakay ito sa societal issues pagdating sa kalusugan, edukasyon, seguridad at kapayapaan, at family values.

Maaaring ilarawan sa pelikula ang mga usapin tulad ng teenage pregnancy, online safety, out-of-school youth, epekto ng pangingibang-bansa, at iba pa.

Maaaring live action, animated, documentary, o experimental ang isusumiteng pelikula, na may running time na pito hanggang 20 minuto kasama na ang opening at closing credits.

Dalawampung concepts lamang ang mapipili para sa film pitching ng Sine Kabataan selection committee. 

Sampung proyekto ang magiging finalists at mabibigyan ng grant para gawin ang Sine Kabataan short film.

Ipapalabas ang mga pelikulang ito sa Philippine Film Industry Month sa Setyembre.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.