ORAS na tumugtog na ang wedding march at bumukas ang pinto ng simbahan, pigil-hininga ang lahat para sa unang sulyap sa bride.
Isa ang bridal march sa highlight ng kasal, na ninanamnam ng lahat, napapaiyak pa ang ilan, mula sa magulang, groom at mga bisita.
Pero paano kung ang pari ang pumutol sa bridal walk, hindi pa man naglalakad ang bride? Ito ang nangyari sa isang wedding ceremony sa Negros Oriental na umani ng batikos mula sa netizens.
Sa video na pinost sa social media ng bride na si Janine Seit Suelto-Sagario, makikitang nagmamadaling lumakad sa aisle ang wedding entourage at maririnig na nagsimula na ang misa.
Naghahanda pa lamang sa wedding march ang bride, nagsalita na ang pari. Nagmamadali tuloy naglakad ang bride na halos mapatid pa sa kanyang gown. Hindi tuloy malaman ng mga bisita kung saan titingin, sa bride ba o sa pari.
Sa mga litrato na kanyang pinost, makikitang emosyonal ang bride at ang groom.
What happened?
Kwento ni Suelto-Sagario, naka-schedule ang kanilang kasal nitong Sabado, June 8, alas-8 ng umaga. Pero Biyernes ng gabi, sinabihan sila ng isa sa kanilang mga ninang na nagsisilbi sa simbahan na ni-reschedule ang oras ng kanilang kasal ng 9:30 a.m.
Agad din nilang sinabihan ang kanilang wedding entourage tungkol sa bagong oras ng kasal.
Dumating aniya sila sa simbahan ng 9:00 a.m. pero sinalubong sila ng church staff at sinabing isang oras na silang late sa kasal. Hindi rin daw sila pinagpaliwanag.
Ayon sa bride, muntikan pa siyang madulas palakad ng altar, gayong nagdadalang tao pa siya. Nabastos din aniya siya dahil sa nangyari.
Nag-viral ang post ng bride sa Facebook na mayroon na ngayong 97,000 shares.
Nakisimpatiya ang maraming netizen sa mga bagong kasal, na dapat daw sana ay nasabihan ang pari sa reschedule ng kasal.
May ibang social media users naman ang nag-udyok sa bagong kasal na i-report ang insidente sa diocese sa lugar.
Nag-’sorry’
Sa pahayag naman ni Parish Priest Albert Erasmo Bohol sa Facebook page ng Diocese of Dumaguete, ipinaliwanag niya ang naging insidente sa kasal.
Ayon kay Bohol, naka-schedule na ng June 8, 8:00 a.m., sa Amlan Parish ang kasal. Walang aniyang ibinilin sa kanila tungkol sa pagbabago sa schedule ng kasal noong linggo, at may naka-schedule ring funeral mass ng 9:30 a.m. noong June 8.
Posible aniyang namali ng basa ng dates na nakapaskil sa bulletin ang ninang ng ikinasal.
“Despite the fact that they were late by an hour, still our Assisting Priest celebrated the Mass out of charity to the couple. But he had to hurriedly make some adjustments, by starting when he saw the bride at the Church entrance, and after sending word to the bereaved family waiting outside the Church that there is going to be a delay in the Funeral Mass and to please wait until the wedding is over,” paliwanag ni Bohol.
Humingi rin ng paumanhin ang simbahan sa bagong kasal dahil sa nangyari sa importanteng araw nila.
“OUR APOLOGY. However, we humbly admit the fact that along the way, there were statements made carried away by emotions,” sabi ng pari. “Hence, we express our sincere apology to the bride and the groom, to their respective families who were directly offended by the turn of these events, and to the people who have seen our humanity as Priests in a time when we were weakest of any possible control.”
Nag-sorry din siya sa pamilya ng namatayan na naghintay matapos ang kasal.
Wedding part two
May ilang netizens naman ang nagmalasakit para sa bagong kasal para magkaroon sila ng mas maayos na wedding ceremony, kabilang na rito ang wedding violinist na si John Lester Barot at ilang wedding suppliers.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Barot na iba’t ibang event suppliers ang nagsanib-pwersa para matuloy ang part two ng kasalan nina Suelto-Sagario at ng kanyang asawa.
“A dedicated group of suppliers has already been identified, and we extend our heartfelt gratitude to each of them,” sabi niya.
Hindi naman na ibinahagi ng wedding violinist ang ibang detalye ng kasal para sa privacy ng mag-asawa.
Sa Lunes, June 17, nakatakdang ganapin muli ang ‘take two’ ng kasalan.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?