fbpx

Sandara Park, balik Pilipinas

by Joanna Deala

Welcome back, Sandara Park!

Nasa Pilipinas muli ang K-pop star at dating miyembro ng sikat na girl group na 2NE1 base sa mga litratong ibinahagi niya sa social media.

Sa kanyang Instagram post, makikitang sakay ng eroplano si Sandara suot ang green cropped zip-up hoodie at denim pants.

“Manila! I’m home~!!!” sabi niya.

Bukod sa pictures, nag-post din sa Instagram story ang Pinay na kaibigan ni Sandara na si Ana ng kanilang picture sa footbridge sa West Avenue, EDSA kung saan makikita ang malaking billboard ng K-pop star bilang newest endorser ng isang local brewery brand.

Photo courtesy: Screenshot from @anatabatina’s Instagram story

Ibinahagi rin sa TikTok ni Ana ang isang clip ng K-pop idol na umaakyat sa footbridge.

“Ayun my Koryanang alaga is back! field trip sa EDSA footbridge,” sabi ni Ana.

@anatabatina888

ayun my Koryanang alaga is back! field trip sa EDSA footbridge #SandaraParkForSanMigLight

♬ In or Out – Sandara Park

Swerte naman ang ilang netizens na na-encounter si Sandara sa footbridge. 

Sa video na ibinahagi ng isang fan na si @kwondaraaaa sa X (dating Twitter), makikitang sumasayaw ang K-pop star habang hawak ang isang bottled beer at canned beer ng kanyang ine-endorse na brand.

https://twitter.com/kwondaraaaa/status/1762052230235164786

May ilang fans naman ang nanghinayang dahil hindi sila nagpang-abot ng kanilang idolo sa nasabing lugar.

“Daraaaa galing ako sa SM North kanina. Bakit ngayon ko lang ‘to nakita?” sabi ng isang netizen.

Hirit din ng isang fan, “Dito ako dumaan kanina kaso di ko na naabutan HUEHUE.”

May ilang DARAling—tawag sa fans ni Sandara—ang nag-share ng kanilang picture at video sa footbridge na kita ang billboard ng K-pop idol.

Nakilala sa local entertainment industry si Sandara sa reality talent show na “Star Circle Quest.” Nakapag-record din siya ng kanta at gumawa ng pelikula.

Lumaki ang kanyang pangalan sa Korean entertainment scene nang mag-debut siya bilang miyembro ng 2NE1, ang tanyag na K-pop girl ng YG Entertainment.  Na-disband ang grupo noong 2016.

Pero nananatili pa rin ang kasikatan ni Sandara, lalo na sa K-pop fans.

Dara in PH in 2023

Ilang beses ding bumisita si Sandara sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Sa kanyang Instagram post noong November 2023, makikitang nag-enjoy ang K-pop star sa isang resort hotel.

Nag-viral din ang ilang videos kung saan nag-shoot si Sandara kasama ang cast members ng South Korean reality show “Idol Truck” sa Clark, Pampanga na naka-baro’t saya at barong tagalog.

Nag-guest din siya sa Manila leg ng “AREA 52” concert ng kanyang labelmate at miyembro ng K-pop boy group GOT7 na si Bambam. May guest appearances din siya sa ilang local television shows tulad ng “It’s Showtime” at “I Can See Your Voice.”

Bago matapos ang 2023, niregaluhan ni Sandara ang K-pop at P-pop fans ng collaboration song kasama ang P-pop sensation SB19 para sa isang electronics company na kanilang ini-endorso.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.