TULOY-TULOY ang pasok ng naggagalingang players para sa Strong Group Athletics (SGA), matapos pumirma kahapon ni Rhenz Abando para sa nalalapit na 43rd William Jones Cup sa Taipei, Taiwan.
Kasalukuyang free agent ang high-flying Pinoy forward dahil hindi siya pumirma muli ng kontrata sa kanyang club team sa Korean Basketball League (KBL) na Anyang Jung Kwan Jang.
Malaking bahagi at susi si Abando kampyeonato ng Anyang noong 2022-2023 season. Excited naman siyang makapaglaro para sa SGA, at katawanin muli ang bansa.
“More on excited ako makapaglaro for Strong Group kasi nung nasa Korea ako, pinapanood ko yung games nila sa Dubai,” sabi ni Abando, na nag-average ng 9.9 points, 4.3 rebounds, and 1.1 assists last season sa KBL.
“Talagang napasaya nila ang mga fans dun. Sana mapasaya din namin ang mga kababayan natin sa Taiwan ngayong Jones Cup.”
Matagumpay ang background ng 6-foot-2 forward. Bago lumipat sa Letran Knights at naging NCAA Rookie-MVP at champion, may silver finish na rin si Abando sa UAAP. Kalaunan, naging champion at slam dunk champion din ito sa KBL.
Photo Courtesy: @abandorhenz | Instagram
Nag-uwi rin si Abando ng kampyeonato sa East Asia Super League (EASL), kabilang pa rin sa kanyang KBL mother team na Anyang.
Kaya naman, laking tuwa ni Strong Group head coach Charles Tiu nang masiguro nila ang commitment ng player para sa paparating na Jones Cup sa July 13-21.
“I’m happy to have the opportunity to finally coach Rhenz. I’ve coached against him in the past, and I think he’s a great player. He gives us a lot of athleticism and firepower,” sabi ni Tiu.
Bukod sa pagkakataong katawanin ang bansa, excited din si Abando na makasama ang kanyang mga kumpare, tulad na nga lang ni RJ Abarrientos at Kiefer Ravena.
Photo Courtesy: @abandorhenz | Instagram
“Looking forward din ako to be under Coach Charles kasi new system at alam kong may matutunan ako sa kanya,” sabi ni Abando. “Makakasama ko na naman ang mga repa kaya siguradong maraming kulitan ‘to on and off the court.”
Sa kasalukuyan, ang Strong Group Athletics ay binubuo ng Gilas Pilipinas veterans na sina Kiefer Ravena at Jordan Heading, naturalized Pinoy na si Ange Kouame, RJ Abarrientos, Caelan Tiongson, at Chris McCullough.
Inaasahang malaki ang maiaambag ni Abando para sa team dahil sa kaniyang sweet-shooting stroke at no-quit attitude sa depensa, na paniguradong susubaybayan ng basketball fans.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?