fbpx
r&b superstar ne-yo

R&B superstar Ne-Yo, babalik sa Pinas

by Joanna Deala

Recently updated on July 1, 2024 01:46 pm

MAGBABALIK si American R&B singer Ne-Yo sa bansa para sa Manila leg ng kanyang “Champagne and Roses Tour,” ayon sa Wilbros Live.

Inanunsyo ito ng concert promoter sa social media ngayong Martes, June 25.

“The R&B superstar is coming to party! Bigger Tour. Performing his greatest hits!” pahayag nito.

Gaganapin ang concert ni Ne-Yo sa October 8 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Inaasahang haharanahin niya ang Filipino fans ng ilan sa mga sikat niyang kanta tulad ng “Because Of You,” “So Sick,” “Miss Independent,” “Closer,” “Sexy Love,” “Mad,” “Let Me Love You,” “Let’s Go,” “Time of Our Lives,” “Play Hard,” at “Give Me Everything.”

Mabibili ang concert tickets sa July 6 sa TicketNet outlets at sa website nito.

Wala pang detalye tungkol sa presyo ng tickets, fan benefits, at seat plan.

Bumisita sa Pilipinas si Ne-Yo para sa kanyang concert sa Araneta Coliseum noong Enero 2023, kung saan pinerform niya ang ilan sa kanyang classic hits.

Isa sa highlights ng concert ay ang pagsasama muli ni Ne-Yo at Miss Universe 2018 Catriona Gray sa stage. Ipinamalas dito ni Gray ang kanyang iconic lava walk habang kumakanta si Ne-Yo.

Matatandaang guest performer si Ne-Yo sa coronation night ng Miss Universe 2018 pageant sa Thailand, kung saan kinanta niya ang “Miss Independent” habang rumarampa ang top 3 finalists.

Naglabas ngayong Hunyo ang three-time Grammy Award-winning singer ng bagong musikang “2 Million Secrets,” una niyang kanta bilang fully independent artist.

Excited fans

Nanatiling sikat sa mga kabataan ang classic hits ng 44-year-old singer.

Sa X (dating Twitter), maraming fans ang nagpahayag ng excitement para sa nalalapit na concert ni Ne-Yo.

Follow republicasia on FacebookTwitter, and Instagram to get the latest.

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.