fbpx

PVL: Creamline battles it out with Akari

by Bryan Gadingan

TARGET ng Creamline Cool Smashers na umakyat pa sa standings.

Sa pagpasok sa ikalawang linggo ng Premier Volleyball League elimination round, makakaharap nila ang Akari Chargers sa Philsports Arena, Pasig.

Photo Courtesy: Premier Volleyball League

Ang Cool Smashers ay galing sa isang dikdikang panalo kontra sa mga baguhang Farm Fresh Foxies, 34-36, 25-23, 25-22, at 25-15. Habang ang Chargers naman galing sa talo kontra Cignal HD Spikers. 

Ngunit hindi pa nakakasabak ang dalawang bagong manlalaro ng team na sina Bea De Leon at Denden Lazaro. Ayon kay Creamline head coach Sherwin Meneses, ngayong gabi na lalaro ang mga ito.

“Galing sila sa therapy. Hindi sila masyado naka-ensayo ng maganda,” ayon Meneses, patungkol sa kung bakit wala pa ang mga bagong manlalaro niya. “Ako na magsasabi, maglalaro sila sa Thursday.”

Ngayong gabi, makakatapat din ng Cool Smasher ang dati nilang MVP middle blocker na si Ced Domingo. Kamakailan lang, ibinahagi ng middle blocker ang rason kung bakit siya lumipat.

Ayon kay Domingo, bago pa man siya makabalik mula sa Vietnam, nakumpira niya na hindi na magpapatuloy ang kanyang kontrata sa Creamline. Ito ang nag-udyok para lumipat na siya sa Akari.

“December pa lang sinabihan na ako,” sabi ni Domingo sa isang Kumu Live session, nang tanungin ito matapos ikagulat ng lahat ang kanyang paglipat ng team.

“They called me and told me that they won’t extend my contract anymore. So this was bago ako umuwi ng Pilipinas for holidays,” sabi ni PVL Finals MVP.

Photo Courtesy: Premier Volleyball League

Sa harap ng hindi pag-renew ng kontrata ni Domingo, inanunsiyo ng Cool Smashers ang pagkuha nila sa dalawang Choco Mucho players na sina De Leon, at Lazaro-Revilla.

Sa kabila nito, naiuwi muli ng Filipina import at ang kanyang team na Nakhon Ratchasima ang kampeonato sa Volleyball Thailand League (VTL), noong nakaraang linggo lamang.

Samantala, ang larong ito ay makatulong para makabawi ang Akari Chargers mula sa kanilang pagkatalo at maibalanse sa 1-1 ang kanilang standing. 

Habang ang Creamline naman ay maaaring umangat kasama ang Chery Tiggo, PLDT, at Choco Mucho, na sa kasalukuyan ay may hawak na 2-0 record. 

Ipinagpapatuloy din ng Cool Smashers ang kanilang walang talo na kampanya mula pa noong nakaraang season. Ang laro ay magsisimula ng alas-6 ng gabi sa PhilSports Arena, Pasig City.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.