fbpx

PVL: Choco Mucho kontra Chery Tiggo ngayong gabi

by Bryan Gadingan

ISANG kaabang-abang na laban ang mapapanood ngayong gabi sa pagitan ng dalawang koponan na kapwa wala pang talo na Choco Mucho Flying Titans at Chery Tiggo Crossovers, sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Alas-6 ng gabi sa PhilSports Arena, may isa sa dalawang koponan na makakatikim ng kanilang unang pagkatalo.

Ang mananalo sa laban ay magsosolo sa liderato sa kasalukuyang preliminary standings.

Photo Courtesy: Premier Volleyball League

Ang Chery Tiggo ay nag-uwi ng dalawang magkasunod na panalo kontra sa dalawang baguhang team. Kaya naman ngayong gabi talaga masusukat ang kakayahan ng Crossovers. Pinangungunahan ni coach Kungfu Reyes ang koponan na malaki ang tiwala sa kaniyang team na buhat-buhat nina Mylene Paat, magkapatid na Eya and EJ Laure, Cess Robles, middles Cza Carandang, Pauline Gaston and Seth Rodriguez. 

Kasama rin nila sina Alina Bicar, setter Joyme Cagande, Buding Duremdes, Jen Nierva at ang dalawang bagong player ng team na sina Ara Galang and Aby Maraño na nagpakita ng magandang performance sa mga unang laro.

Matindi rin a g Crossovers sa pangunguna ng scorer na si Sisi Rondina, ang reigning league MVP, na nagtala ng 24 points kontra Petro Gazz.

Kasama niya sina Choco Mucho head coach Dante Alinsunurin na umaasa rin kina Kat Tolentino, Isa Molde, Regine Arocha, Royse Tubino, middles Chery Nunag at Maddie Madayag.

Katuwang din nila ang mga setters na sina Deanna Wong at Mars Alba at defense specialist Bia General.

Si Alba ang isa sa pinakabagong member ng Ube Squad. Siya ang isa sa mga pumasok na player nang mawala sa team sina Bea De Leon at Denden Lazaro-Revilla. 

Para sakanya, bilang isang baguhan sa team, marami pa siyang dapat habulin upang makasabay sa kaniyang mga bagong kakampi ngayon, kahit pa maganda na ang kanyang pinapakita.

“I’m getting used to it, but I still feel lacking because I really need to catch up. I’m the only new one inside, so I need to catch up with their system and movements inside and connect more,” ayon kay Alba.

Bago ang tapatan na ito, magtatapat muna ang Cignal HD Spikers at Galeries Tower Highrisers ng alas-2 ng hapon. Habang ang PLDT High Speed Hitters naman ay mapapalaban sa Petro Gazz Angels ng alas-4 ng hapon.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.