IT’S BETTER late than never! Iyan ang napatunayan ng isang 26-anyos na residente ng sa Lapu-Lapu City na pinagkalooban pa ng P10,000 matapos maging pinakamatandang bagong tuli noong Biyernes.
Isa si Alfredo Jr. sa 1,350 indibidwal na nagpalista sa libreng tuli ng volunteer schools at ng Department of Health-Central Visayas.
Ayon kay Lapu-Lapu Mayor Junard “Ahong” Chan, residente ng Barangay Basak si Alfredo Jr.
“Pagka-swerte ni Alfredo. Na-ulitawo na gani, naka-P10,000 pa gyud!“ sabi ni Mayor Chan, mula sa isang Facebook post na kanyang ibinahagi noong Biyernes.
Ayon pa sa alkalde, may libreng burger at ice cream pa ang mga nagpatuli.
Binigyan ng P10,000 ang mga nagpatuli na lagpas 20-anyos na. Noong nakaraang taon, tatlo ang nabigyan ng premyo matapos magpatuli. Isang 22, 25, at 28-anyos na mga taga-Lapu-Lapu City rin.
Sa programang may temang, “Transforming lives, one cut at a time,” inaanyayahan din ni Chan ang mga indibidwal na dumalo at magpatuli, para na lamang din sa kanilang kaligtasan.
Ayon sa mga eksperto, ang pagpapatuli sa pangkalahatan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang medikal na benepisyo. Maiiwasan halimbawa ang impeksyon sa ari ng lalaki.
Ito rin ay nakatutulong sa pag-iwas sa ilang uri ng kanser sa ari. Pagkatapos ng pagpapatuli, mas madali na ring panatilihin ang kalinisan ng ari.
Maaari ring makatulong ito sa pag-iwas sa ilang mga sakit na naipapasa sa pakikipagtalik.
Kaya ang pagpapatuli ay hindi lamang para sa mga sanggol o bata, hindi pa ito huli para sa mga matatanda.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?