SA KASALUKUYANG henerasyon, ang social media ay naging isa sa mga pangunahing plataporma at lugar para makapagpahayag ng mga opinyon at saloobin ang mga indibidwal.
Isang patunay ng pagtaas ng paggamit ng mga platform tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, at iba pang social media platforms ay ang tumataas na dami ng mga pagrarant na nagiging viral.
Photo Courtesy: Timothy Hales Bennett | Unsplash
Ang talamak na pag-rant ng netizens sa social media ay hindi lamang naglalantad ng kanilang personal na pananaw kundi pati na rin ng mas malalim na isyu na nakakaapekto sa lipunan.
Ngunit nitong nagdaang weekend, mayroong nakakatawa’t nakakapagtakang netizen na bigla na lamang sumulpot at nagrarant sa isang bagay na tingin ng nakararami ay dapat “general knowledge” na.
Ang isyu
Naging laman ng Facebook ang isang babaeng inirereklamo ang rider ng motorcycle for hire application na di umano’y tinanggihan ang kanyang debit card bilang paraan ng pagbabayad.
Naghihimutok na ibinahagi ng netizen sa Facebook group ng iba’t ibang ride hailing applications ang kanyang karanasan matapos sumakay sa isa. Hindi nga ito natuwa dahil “anga-anga” nga raw ang rider.
Photo Courtesy: Bianca Tan | Facebook
“Bakit may mga driver na sorry sa word medyo anga-anga? Kanina may na book ako na move it tapos nung sa drop off ko na nung mag babayad na ako with my debit card hindi raw pwede yun?” sabi ng netizen.
“Is that possible? Like hello what if walang cash? Hindi lang ata marunong gumamit si manong or hindi lang talaga alam ano yung debit card? Hahahaha bisaya talaga natatawa na lang ako.”
Kapansin-pansin ang galit na may halong diskriminasyon sa mga Bisaya. Dagdag pa nga nito sa hiwalay na post, hindi na raw siya nagtaka kung bakit hindi nito alam ang debit/credit card dahil bisaya nga raw ito.
“Sabi sa app pwede ang any card hindi na ako masyado nag sasalita that time cause I know manong don’t know how to use it or baka hindi pa sya nakakakita ng *** DEBIT CARD,” isinaad nito.
“Then he said something like “unsa “ so I know na BISAYA nga sya so hindi na ako nag taka na baka hindi niya talaga alam yung card ko na *** DEBIT CARD.”
Reaksyon ng netizens
Maraming netizens ang hindi natuwa sa mga nasabi ng naturang netizen sa rider. Lalong lalo na ang mga nadismaya sa tila ba’y panglalait nito sa kapwa nilang Bisaya na dahil sa pagkakamali ng
“Gusto lang pasikat. Obvious naman yung narration. May ganun ba? Kunwari di alam na di pwede debit card? Parang style nung nandidiri sa sardinas. Highlight ang bisaya kay masuko man mi. Cheapest way to gain popularity,” sabi ng isang netizen.
“Hahaha baka bagong kuha ang debit nya. 56 pesos card pa. Huyyy ateng wag kang OA kami gumagamit lang kami ng debit card pag wala kaming ruler pang guhit,para straight yung line hahahaha,” dagdag ng isa pang netizen.
“Ineng, hindi mo kasi ibibigay sa driver ang card mo. Ireregister mo yan sa app then auto-deduct pagkatapos ng ride. Maiging mag-research, magbasa ng policy,” turo naman ng isang netizen.
Dahil sa napaka-obvious na sitwasyon, hindi naman maiwasan ng ibang netizens na mapaisip kung totoong account nga ba ito, o isang troll account na naghahabol lamang ng clout at reaksyon sa social media.
Totoong account nga ba ito?
Ilang netizen ang sinubukang mag-background check sa social media account ng netizen na nag-ngangalang Bianca Tan sa Facebook.
Kung mapapansin, ang account na ito ay bagong gawa lamang at ang mga post nito naglabasan lamang nitong weekend. Mula profile picture, featured story, at mga shared posts, lahat ay bago lamang.
Photo Courtesy: Sara Kurfe | Unsplash
Hiling pa nga ng ilang netizens na maging isang matinding aral ito sa mga social media users na ugaliing magsaliksik muna, bago magreklamo at gumawa ng social media posts na hindi maganda ang pinaparating.
Sa kabilang banda, pinaalalahanan ng mga netizens na ito ang mga nagkomentong galit na galit, sapagkat mas makabubuti raw na suriin muna ang mga social media accounts bago mag komento.
Nakakatawa’t nakaka-trigger man ang post, mas akmang iwasan na lang ang “rage baiter” accounts dahil hindi malayo na reaksyon lamang ang habol ng mga ito.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?