fbpx

No Parking: Is reserving a parking spot rightful?

by Bryan Gadingan

ANG pagpaparada sa mall ay maaaring maging isang malaking hamon para sa karamihan. Sa kadahilanang napakaraming tao ang bumibisita sa mga mall, lalo na tuwing holiday o weekend.

Kaya naman, ang paghahanap ng puwang para mag-park ay maaaring maging napakahirap para sa mga car owners. Minsan pa nga ay halos kainin na ang ilang minuto o oras para lamang makahanap ng bakante.

Photo Courtesy: Aditya Rathod | Unsplash

Ang iba nga ay napipilitang magparada ng kanilang sasakyan sa ibang lugar na may kalapitan sakanilang destinasyon, masiguro lang na nakaparada ito ng maayos at makaalis na agad. 

Tinayuan ang paradahan?

Kaya naman, ganun na lang din ang inis ng mga netizens matapos mag-trending sa Facebook ang isang bidyo ng babae na nakatayo sa parking slot at hinaharangan ito upang hindi makapasok ang iba.

Sa Facebook page na “Parkeserye” ipinost ang bidyo na ipinasa sakanila noong Linggo, kung saan makikita sa rearview camera na nasa likod ang babaeng ayaw patinag sa umaatras na sasakyan.

Photo Courtesy: Parkeserye | Facebook

Naka-“cross arms” pa nga at hindi gumagalaw kahit papalapit na ng papalapit ang sasakyan. Makikita pa sa bidyo ang pagsabi ng babae ng “Go, do it!” sa driver, tila ba’y inuudyok pa ang driver na atrasan siya. 

Reaksyon ng netizens

Nanggagalaiti naman ang mga netizens at car owners na nakakita ng bidyo, na ngayo’y deleted na, sapagkat hindi tama ang ginagawa ng babaeng nakaharang sa paradahan.

“Ate, ginag*go ka na ng asawa mong kamote, aanga-anga ka pa? Inutusan ka ng inutil mong asawa para gawin ‘yan dahil kamote [siya]. Gumising ka ate, may asawa kang kamote,” sabi ng isang netizen.

Ang ibang netizens naman ay naging kritikal dahil alam nila ang hirap ng paghahanap ng paradahan sa mga mall. Hindi nga raw dapat ganito ang makasanayan ng mga Pilipino, dahil hindi ito maganda.

“Unfair ang mga ganyang galawan. Lahat umiikot para makahanap ng parking…” dagdag ng isa pang netizen sa comment section.

“There is no reservation in any public parking facilities. And for anybody to stand and wait for your car to arrive, that is not allowed. It is still first to come, first to park,” isa pang netizen ang nag komento.

Patunay lamang ang mga komentong ito na hindi naging maganda ang ginagawa ng babaeng humarang sa paradahan. Bilang paalala sa iba pang car owners, narito ang mga bagay na dapat tandaan:

Paano ba ang sistema ng parking?

Lingid sa kaalaman ng mga car owners na ang basement parking sa mga establisyemento ay first-come, first-served basis, kung saan mapupunta ang slot sa driver na unang nakakita nito.

Kadalasan, ang mga sasakyan na pinakamalapit sa parking slot, o ang sasakyan na unang nakarating sa tabi ng parking slot bago ang ibang nakakita, ay ang maaaring pumarada.

Photo Courtesy: Igor Karimov | Unsplash

Sa kabilang banda, ang reserved parking naman ay nakatalaga lamang para sa mga persons with disabilities (PWD), na may signage na nakalagay sa sahig o maliit na karatula, at sa mga VIPs na may kasunduan sa management.

Kung hirap naman na makahanap ng parking at nauubos ang oras, maaari ring mag valet parking, kung saan mayroong staff na naka-assign sa inyong sasakyan na maghahanap ng slot at ipaparada ang sasakyan.

Ilan lamang ito sa mga paraan kung paano tumatakbo ang sistema sa mga paradahan. Mga parking etiquette na inaasahang alam ng mga nagmamaneho kapag tumutungo sa mga establisyimento.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.