May kani-kanyang love language ang bawat isa sa atin sa pagpapadama ng ating pagmamahal.
Nariyan ang words of affirmation na ibinibigay ng mga taong very vocal na pinupuri ang anumang magandang nakikita nila. Nakapagpapagaan ng loob at nakatataba ng puso sa tuwina ang marinig ang mga katagang mamutawi buhat sa kanila.
May taong mas naipapakita ang love language sa pamamagitan ng pagreregalo, na maluwag sa loob at may satisfaction na nararamdaman ang mga taong ito sa tuwing magbibigay ng kahit mumunting bagay sa kanilang mahal sa buhay.
Quality time. Hindi ang basta sasamahan ka sa lahat ng oras. Sisiguruhin ng mga taong ito na magiging makabuluhan ang bawat oras na kasama ka nila.
‘Action speaks louder than words’, ika nga. Para sa mga taong ito, hindi lang sa salita, lalo na sa gawa ipinapakita ang kanilang love language.
Paghalik, pagyakap, paghawak sa kamay. Touchy? May mga tao lang na sadyang sa ganitong paraan nasasabi ang kanilang pagmamahal.
Lima raw lahat ‘yan ayon sa mga love expert.
But wait, there’s more!
Para sa Millennials at Gen Zs may bagong love language!
Para sa dalawang henerasyong ito, travel ang panibagong love language na bunga marahil ng pandemya.
Ayon sa booking site na Klook, nasa 9 out of 10 Millennial at Gen Z travelers mula sa Asia Pacific ang nagbabalak na mag-travel kasama ang kanilang mahal sa buhay ngayong 2024 sa survey na isinagawa noong Nobyembre 2023.
May 2,600 katao mula sa 13 bansa ang lumahok sa survey.
Nasa 3 out of 5 ang travelers ang handang gumastos para sa kanilang travel dreams ngayong 2024.
Kahit gastusin pa raw ang kalahati ng kanilang budget para lamang makabiyahe kahit pa tumaas ang bilihin dahil sa global inflation.
Travel bilang bagong Love Language
Ayon sa chief operating officer at co-founder ng Klook na si Eric Gnock Fah, ang pag-travel para sa mga Millennials at Gen Zs ay isang holiday o reward sa laki ng oras at pagod na iginugugol nila sa kanilang trabaho.
Paraan din ito upang magkaroon ng koneksiyon, at makabuo ng mga alaala kasama ang kanilang mahal sa buhay.
“As we move past the pandemic and era of revenge travel, we observe a transformative shift in travel dynamics. It’s no longer just a journey; it’s the embodiment of a new love language, shared experiences,” ayon kay Gnock Fah.
“Travel has become an essential outlet, offering individuals the chance to connect genuinely with themselves, their loved ones, and the world around them,” idinagdag niya.
Nasa 64% ng Millennials at Gen Zs mula sa Asia Pacific, at 66% naman sa Pilipinas, ang nais dagdagan ang kanilang travel budget ngayong taon.
Habang lagpas kalahati naman ang handang gamitin ang 50% ng kanilang budget para sa holidays. Nais daw kasi nilang masulit ang kanilang oras kasama ang kanilang mga partner.
34% naman ng mga Pilipino ang gustong bumiyahe kasama ang kanilang mga partner o iba pang mahal sa buhay.
Sabi nila, hindi basta-basta mapapalitan ng anumang bagay ang alaala ng bawat lugar lalo na’t kapag kasama ang mga mahal sa buhay.
Ngayong balik-normal na ang pamumuhay ng mga tao sa buong mundo matapos ang pandemya, asahan na mas marami na ang lalabas sa ating mga lungga, at ready na to conquer the world!
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?