NAGLABAS na ng kani-kanilang tourism videos ng mga kandidata ang Miss Universe Philippines (MUPH) para sa 2024 edition ng national pageant.
Pero isang clip ng kandidata ang pinupuna ngayon ng ilang netizens dahil sa pagpapakita nito sa New Manila International Airport.
Sa nasabing tourism video, ipinakilala ni MUPH candidate Chelsea Manalo ang kanyang sarili at ang Bulacan na kanyang hometown.
“I am Chelsea Manalo, all the way from the future International Airport of the Republic of the Philippines,” sabi ng kandidata.
Pagkatapos ng kanyang introduction ipinakita naman niya sa video ang development site ng airport.
“Soon, Bulacan will not just be a gateway to the North, but the strong catch basin of the Philippine Economy. The catalyst of Business and Commerce, Trade and Industry, especially Tourism,” pahayag ni Manalo.
Pagkatapos nitong banggitin ang airport, tinalakay naman ng beauty queen ang Bulakenyos at ang mayamang kasaysayan ng kanilang lugar. Tampok din sa bidyo ang mga Dumagat ng Sierra Madre Mountains.
Pero may ilang social media users ang pumuna sa pagtampok sa bidyo ng kontrobersiyal na airport sa Bulacan at sinabing “out of touch” ang kandidata sa realidad.
“Miss ma’am surely doesn’t know na iyang fine-flex niya ang nagiging dahilan ng displacement ng libu-libong nakatira sa lalawigan at ng posibleng pagkabura pa ng ilang bayan nito,” comment ng isang netizen sa Facebook post ng MUPH.
Sabi naman ng isang netizen sa X (dating Twitter), hindi raw ito ang tamang paraan para katawanin ang Bulacan at hindi rin daw nakaka-proud ang karamihan sa modernization project sa lugar.
“It does not sit right when you talk about Dumagats at the same time, promote projects that continue to destroy the homes and livelihood of this community,” sabi niya.
Dapat din daw na ine-empower ng MUPH ang mga lokal sa pamamagitan ng tourism videos at hindi ang mga elitista na higit daw na makikinabang sa mga proyektong ito.
Pinunto naman ng ilang online users ang environmental issues sa lugar dahil sa proyekto.
“Catch basin, opo ng BAHA. Kaya ayaw na namin ng tag-ulan, kahit sobrang init ‘pag summer,” sagot ng isang netizen.
Noong 2018, higit 600 mangrove trees ang naputol sa Taliptip, kung saan itinatayo ang paliparan. Nagsisilbing panangga sa baha ang mangrove trees pero itinanggi ng San Miguel Coporation (SMC) na may kinalaman sila sa pagkaputol ng mga ito, ayon sa ulat ng U.S.-based non-profit conservation and environmental science news platform na Mongabay.
“While Miss Universe Philippines Bulacan’s intention to promote the rise of an international airport is commendable, it’s crucial to recognize the ecological impact of reclamation in important wetlands,” comment ng isang Facebook user.
Dagdag niya, “It’s essential to prioritize sustainable development practices that preserve these vital ecosystems for future generations.”
May isang netizen naman ang nagsuhestiyong dapat ay nag-focus na lamang si Manalo sa turismo sa Bulacan at itinampok ang iba’t ibang makasaysayang lugar at pagdiriwang sa lugar.
Wala pa namang pahayag si Manalo o ang MUPH ukol dito.
P735.6 billion airport
Sa pangunguna ng SMC, itatayo ang paliparan sa 2,500 hectare coastal property sa bayan ng Bulakan, na inaasahang magpapaluwag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na main gateway sa Maynila. Target ng bagong gateway na magkaroon ng 100 milyong pasahero kada taon.
Nagsimula itong gawin noong 2019, matapos pumirma ng concession agreement ang gobyerno sa San Miguel Aerocity Inc. (SMAI), infrastructure arm ng SMC. Layon din ng paliparan na makagawa ng nasa isang milyong trabaho para sa mga Pilipino.
Pero may ilang grupo ang tutol sa pagpapatayo nito. Noong December 2020, nag-isyu ng Writ of Kalikasan ang ilang fisherfolk at civil society groups, na nagpapahinto sa konstruksyon ng paliparan. Nilabag daw umano ng proyekto ang ilang batas tulad ng Philippine Fisheries Code, Clean Water Act, Climate Change Act, at ang Revised Forestry Code of the Philippines.
Pero hindi ito pinaburan ng Korte Suprema noong January 2021 at sinabing “not sufficient in form and substance” ang petisyon.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?