SAAN ka man lumingon, uso ang pagdadala ng reusable water bottle o tumbler, papasok man sa trabaho o eskwela. Mabilis na pamatid-uhaw lalo ngayong matindi ang init ng panahon. Bukod sa tipid at praktikal, environment friendly pa!
Pero kahit araw-araw na pinapalitan ang tubig, ayon sa mga eksperto, kailangang linisin ang loob at labas ng bote araw-araw.
Ayon kay Dr. Sharon Nachman, Chief ng Pediatric Infectious Diseases ng Renaissance School of Medicine, Stony Brook University, New York, kung maaari, kalasin o paghiwa-hiwalayin ang mga bahagi ng tumbler at linisin upang masigurong ito pamugaran ng microbes.
Hindi dapat tumagal ang tubig sa tumbler ng higit sa 24 oras. “Standing water is never good in a water bottle. If water sits in a bottle for a long time at the right temperature, it can start to grow bacteria.”
Maliit man o malaking tumbler, nakakapagod nga namang hugasan araw-araw, lalo ang mga kaliit-liitang bahagi nito.
Pero ayon kay Nachman, nakapipigil sa buildup ng microbes ang paghuhugas araw-araw ng tumbler. Ito ang mga sobrang maliit na organisms na nabubuhay sa iba’t ibang lugar, kabilang na ang katawan ng tao.
Kadalasang hindi naman nakakapinsala ang mga microbes. Ngunit, maaaring maging sanhi ng sakit, ayon sa National Library of Medicine ng America.
Isang halimbawa, kapag hindi nagsipilyo ang isang indibidwal nagsipilyo matapos kumain, may naiiwang butil ng pagkain sa bibig at na magbubunga ng tinatawag na “flora” para sa microorganisms.
At kapag uminom na sa tumbler, dito na mapupunta ang flora, at nagiging “substrate” hanggang mabuo sa microbes.
Paano ba ang tamang paglinis ng tumbler?
Ayon kay Dr. Nachman, maaaring ilublob ang tumbler sa bahagyang mainit na tubig at gumamit ng mild liquid dish soap saka banlawang Mabuti.
Ang surfactants mula sa dishwashing liquid, isang aktibong ingredient na nakatutulong sa water molecules upang matanggal ang dumi at mantika, pati na rin ang microbes.
Maaaring gumamit ng sponge sa paglilinis ng lid, at straw cleaning brush upang matanggap ang dumi sa mga singit-singit a bahagi.
Maaari ring gumamit ng suka at baking soda sa paglilinis.
Kung iisipin, ito ay katulad lamang ng proseso sa paghuhugas ng mga plato, kubyertos, tasa, at baso. Mas mabusisi lang sa tumbler dahil sa maliliit na sulok nito.
Payo pa ng mga eksperto, kung hindi kakayanin, maaari namang kada ikalawang araw linisin ang tumbler, para na rin sa mabuting kalusugan ng gumagamit nito.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?