fbpx

Mga pusang nakabarong, kinagigiliwan online

by Bryan Gadingan

PUMUKAW ng atensyon sa social media platform na TikTok ang apat na pusang napaka-charming, habang suot-suot ang kanilang makukulay at tradisyunal na Barong Tagalog. 

Kaya naman kinagigiliwan ng mga netizen ang mga pusang astig na astig sa kanilang porma.

@cattherapytv my pogi boysies got new barongs!!! 💕💕💕 #cats #cutecats #puspin #catvideos #catlover ♬ Dilaw by Maki – Maki *ੈ✩‧₊˚

Pormal at tradisyunal na kasuotan sa Pilipinas ang Barong Tagalog. Kaya naman kakaiba ang makakita na suot naman ito ng mga pusa. Bukod sa kakyutan, tila naging kagalang-galang pa ang fur babies na ito.

Nagpangiti sa mga netizen ang nakahilerang mga pusa na tila isa-sa pang umawra sa kanilang suot na iba’t ibang kulay ng barong.  

Ang kwento ng mga fur babies

Sina Tofu, Grey, Cloud, at Panda ay mga puspin na pag mamay-ari ng 29-anyos na si Mic Tabuclin. Ayon sa kanya, hindi naman daw siya “cat person” noon, ngunit napamahal na rin ngayon.

Una si Tofu, hanggang sa nauwi na nga ito sa pagkahumaling sa mga fur babies na nag-udyok para siya’y maghanap pa ng mga puspin na maaaring ampunin.

“I just give them siguro the love, the best love possible… I just try my best to provide them with what they deserve,” ibinahagi ni Tabuclin sa isang panayam tungkol sa kanyang mga alaga.

Ang rason

Hindi man araw-araw ganito ang suot ng mga alaga niya, ramdam ng 29-anyos na natutuwa ang kanyang mga alaga na magbihis. Marami pa nga raw siyang nabili online na mga costume halimbawa pang-Halloween o pag naisipang damitan ang mga alaga.

Para nga kay Tabuclin isang paraan ang paggawa ng bidyo, at pagbibihis sa kanyang mga alaga, upang patunayan na anuman ang breed ng mga alaga natin ay nararapat silang mahalin at alagaan ng buong puso.

“We try to promote as much as possible about rescuing and adopting puspins…so people will learn more about it po and they will consider it rather than buying,” paliwana ni Tabuclin.

“But whether you bought it or not, you should always take care of it and love it without discrimination,” dagdag nito.

Hiling ng fur parent

Paalala naman ni Tabuclin sa mga fur parent at netizen na kahit walang alaga, sana ay maging mabait sa mga hayop. “By helping them and not being mean to them, to the stray cats, would mean so much,” sabi ni Tabuclin.

Bukod pa rito, itinataguyod man niya ang ideya ng pag-adopt ng stray animal, pinaalalahanan pa rin niya ang netizens na bago raw mag-adopt, siguraduhing maalam din sa pag-aalaga ng hayop. 

Pinaalalahanan niya ang publiko na magsaliksik muna o ‘di kaya’y pumunta sa mga veterinarian upang maipa-check muna ang mga stray animal na mahalaga bago ang pag-ampon sa mga ito. Dapat ding umiral ang likas na pagmamahal sa mga hayop hindi lang dahil cute ang mga ito.

Para kay Tabuclin, nakahanap siya ng kaibigan  sa kanyang mga alaga. Sa simpleng lambing pa lang ng mga ito, sulit na at ramdam niya ang pagmamahal sa kanya.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.