fbpx

Mga lugar na dapat dayuhin sa Mindanao

by Bryan Gadingan

NAGSIMULA man ang tag-ulan at pumasok na ang bansa sa nagbabadyang La Niña, hindi maitatanggi na hindi parin tapos ang bakasyon lalo na’t may mga araw pa rin na ubod ng init. 

Bukod pa rito, ang mga college students ay pasimula o kasisimula pa lamang mag-summer break. Patunay na mayroon pang oras upang ikutin ang Pilipinas, at alamin ang ilang tanyag na lugar.

Photo Courtesy: Benjamin Voros | Unsplash

Ngunit, ang mga Pilipino na nakatira sa Maynila ay kadalasang pinipili na dayuhin ang karatig probinsya nito. Nalilimita nito ang mga pagkakataon na masilayan ang iba’t ibang tanawin mula sa ibang isla ng Pilipinas.

Kaya naman, narito ang ilan sa mga lugar sa Mindanao na hindi dapat palagpasin, at maaaring dayuhin habang hindi pa nagtatapos ang bakasyon. 

Santa Cruz Island (Zamboanga)

Ipinagmamalaki ng Mindanao ang Santa Cruz Island, o kilala rin bilang Pink Beach ng Pilipinas, dahil sa kakaibang pink sand na mayroon sa tabing dagat na ito.

Mula sa pangalang ‘Pink Beach’ ay ang maninipas na pink sands na nagmula sa nadurog na red organ pipe coral na umagos na lamang sa pampang.

Photo Courtesy: Guide to the Philippines

Bukod sa pink sand, ang isa pang nag-iintay sa mga nais bumisita rito ay ang napakalinaw na tubig, at magandang marine life sa ilalim ng dagat.

Pink Mosque (Maguindanao)

Isa pang pink na lugar ay ang Pink Mosque sa Maguindanao na tinaguriang kauna-unahang pink mosque sa Pilipinas. Ang Masjid Dimaukom ay isang centerpiece sa probinsyang ito na binuo noong 2013.

Photo Courtesy: Guide to the Philippines

Ang sagradong building na ito ay inisyatiba ni yumaong Mayor Samsudin Dimaukom sa Datu Saudi Ampatuan town. 

Ang mosque ay nagsisilbing lugar upang sumamba ang mga Muslim sa iba’t ibang dako ng mundo. Humahakot ng turista ang mga mosque dala ng napakagandang exterior at interior designs nito.

Enchanted River (Surigao del Sur)

Kung init na init sa Maynila, isa sa pwedeng isama sa listahan ng dapat dayuhing lugar ay ang Enchated River sa Surigao de Sur. Wala ngang ilog na mas lilinaw pa sa tubig na mayroon dito sa lugar na ito.

Ang diyamanteng nakatago sa Hinatuan town ay isang 290 metro kahabang ilog na mayroong hindi maipaliwanag na lalim. Sa lalim nga ng ilog, wala pang malinaw na larawan kung ano ang itsura sa loob nito. 

Photo Courtesy: Guide to the Philippines

Mamamangha ka na lamang sa paghalo ng seasalt at spring water, dahil mula sa Philippine Sea at Pacific Ocean ang tubig na dumadaloy dito.

Upang mapanatili ang kagandahan ng lugar, hindi maaaring lumangoy ang mga bisita sa mismong pool. Mayroon lamang nakalaang swimming area na hindi naman nalalayo sa main pool.

Philippine Eagle Centre (Davao)

Tahanan sa mga ibong kabilang sa endangered species, o ang Philippine Eagle, ang Philippine Eagle Centre ay isang malawak na wildlife breeding center sa Davao City.

Ang world-class na parkeng ito ay halos kamukha na ng Singapore Zoo, dala ng nagtataasang aviary duplex upang makalipad ng malaya ang mga ibon.

Photo Courtesy: Guide to the Philippines 

Bukod sa mga agila, inaalagaan din ng parke ang macaques at crocodiles. Nais ipagbigay alam ng Philippine Eagle Centre ang kahalagahan ng pagpreserba ng mga ganitong uri ng hayop.

Kaya naman maganda itong isama sa listahan ng bibisitahing lugar, dahil makakakita ka na ng mga kakaibang hayop, at may matututunan ka pang mga aral.

Halina’t tumungo sa Mindanao

Ang Mindanao, ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas, ay isa sa mga pinakamagandang destinasyon na dapat bisitahin. 

Sa kabila ng mga hamon na kinaharap ng rehiyon, ang Mindanao ay nag-aalok ng napakaraming bagay na maaring tuklasin at maranasan.

Sa mga lugar na ito sa Mindanao, makakaranas ka ng kakaibang kultura, magandang tanawin, at mga adventure na hindi mo malilimutan.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.