SAAN ka nakakita ng suspendido ang lisensya para magmaneho, pero umattend pa ng online court hearing habang nagmamaneho?
Iyan nga ang problemang kinahaharap ngayon ng Michigan, USA native na si Corey Harris.
Dumalo si Harris sa kanyang court hearing para sa suspendido niyang lisensya.
Ang problema nga lang, nabisto siya ni Judge Cedric Simpson, dahil kitang kita na siya ay nasa loob ng sasakyan at nagmamaneho.
Screenshot from: ABC 7 Chicago | YouTube
Depensa naman ng naturang driver, agad naman daw niyang iginilid ang sasakyan noong napansin ng hukom na siya ay nagmamaneho. Anya, papunta raw siya sa doktor noong panahong iyon.
“Actually, I’m pulling over at my doctor’s office. So, just give me one second. I’m parking right now,” sabi ni Harris noong kinukumpirma sa kanya kung siya ba ay nagmamaneho.
Ikinalito naman ito ni Judge Simpson, at tinanong ang isa sa mga nasa pandinig kung tama nga ba ang kaso na kanilang dinidinig para sa naturang driver.
“Okay, so maybe I don’t understand something. This is the one (Harris) who’s driver’s lincense is suspended, and he was just driving, and he didn’t have a license,” sabi ng hukom.
Bukod pa rito, napag-alaman na pansamantalang nakalalaya si Harris dahil sa piyansa at humihirit sana ang kanyang abogado na ipagpaliban pa sana ng apat na linggo ang pagdinig sa kaso niya.
Screenshot from: ABC 7 Chicago | YouTube
Ngunit dahil nabisto ito ni Judge Simpson, agad na kinansela ang kanyang piyansa, at agad na inutos na magpunta siya sa pulisya sa araw na iyon din para ma-detain.
Sa dulo ng Zoom session, makikitang napa-“Oh my God” na lamang si Harris, sa kanyang kakaharaping problema, dahil lamang sa kapalpakan na kanyang nagawa.
Sitwasyon sa Pilipinas
Kapag nilagay sa Pilipinas ang ganitong sitwasyon, mapapatawan ng P3,000 na multa ang hindi lisensyado o hindi maayos ang pagkaka lisensya na driver.
Bukod pa rito, mawawalan sila ng kakayahang makakuha ng lisensya o mag-drive ng kahit anong motor vehicle sa loob ng isang taon, matapos nitong bayaran ang multa na ibinaba sa kanya.
Nakakatawa mang makita ang ganitong sitwasyon, kailangang alalahanin ng mga motorista na kinakailangang kumpleto at maayos ang kanilang mga dokumento, bago magmaneho.
Nararapat lamang din na sumunod sa lahat ng batas ng bansa, lalong lalo na sa batas pantrapiko, dahil maaaring magdulot ito ng malaking kapahamakan sa kanila.
Follow republicasia on Facebook, Twitter, and Instagram to get the latest.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?