NAIPASA na ang korona kay Krishnah Gravidez mula sa Baguio City nang pangalanan siya bilang bagong Miss World Philippines.
Kinoronahan ang 23-year-old beauty queen sa finals night ng Miss World Philippines 2024 competition na ginanap sa Mall of Asia Arena nitong Biyernes, July 19.
Natalo ni Gravidez ang 32 na iba pang beauty queens at pinalitan si Miss World Philippines 2022 Gwendolyne Fourniol sa trono.
Nasa 35 ang inanunsyong bilang ng mga kandidatang sumali sa Miss World Philippines pageant pero nabawasan ito ng dalawa nang umatras sa kompetisyon sina Tanya Granados ng Laguna at Paola Bagaforo ng Taguig.
Mismong si reigning Miss World Krystyna Pyszková ang nagkorona kay Gravidez, habang si Fourniol naman ang nagsuot sa kanya ng sash.
Sa final round, bumunot ng pangalan ng judge ang Top 10 finalist para sa question-and-answer portion. Napili ni Gravidez si Mister World Philippines Kirk Bondad na nagtanong sa kanya kung dapat bang maging “top priority” ang inclusivity sa mga pageant.
Sinagot ito ni Gravidez ng, “Pageantry is a platform where we express ourselves as women and men. And I feel like this is a great platform for us to promote our advocacies, the cause that we’re fighting for, and the things that we love. So I think that in a world [that is] evolving, I think we as humans should evolve too.”
Bukod sa Miss World Philippines title, nasungkit din ng Baguio-based beauty queen ang special awards na Best in Evening Gown, Best in Swimsuit, at Miss Photogenic.
Samantala, kinoronahan din sina Jasmine Omay ng Tarlac Province bilang Miss World Philippines 2024 1st Princess at si Sophia Bianca Santos ng Pampanga bilang Miss World Philippines 2024 2nd Princess.
Nasungkit naman ni Dia Maté ng Cavite ang titulong Reina Hispanoamericana Filipinas 2024, Nikki Buenafe ng Pangasinan bilang Miss Multinational Philippines 2024, Patricia Bianca Tapia ng Batangas bilang Miss Tourism Philippines 2024, at Jeanne Isabelle Bilasano ng Bicol Region bilang Face of Beauty Philippines 2024.
Sa kasalukyan, isa pa lang ang napapanalunang Miss World crown ng Pilipinas na nasungkit ni Megan Young noong 2013.
Netizens’ reactions
Binati naman ng ilang netizens ang pagkapanalo ni Gravidez sa Miss World Philippines 2024 competition.
Para sa kanila, “deserved” ng beauty queen ang korona.
“Congratulations Miss World Philippines 2024, Krishna Marie Gravidez! Your charm is really meant for the world to see!” comment ng isang netizen sa post ng Miss World Philippines Organization sa Facebook.
“[Second] blue crown is waving,” sabi pa ng isa.
Dagdag naman ng isang social media user, “Congrats… Redirected.”
Bago sumaling Miss World Philippines 2024 pageant si Gravidez, nanalo siya bilang Miss Charm Philippines 2023 nitong nakaraang taon.
Siya ang pumalit kay Annabelle McDonnel, na nanalong first runner-up sa 2023 Miss Charm pageant sa Vietnam.
Pero nitong June 2024, inanunsyo ni Gravidez sa social media ang desisyon niyang bitawan ang kanyang Miss Charm title. Hindi na niya sinabi kung anong dahilan.
Si Kayla Jean Carter ang pumalit kay Gravidez at kakatawan sa Pilipinas sa Miss Charm competition na gaganapin sa August 24 sa United States.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?