NAHAHARAP sa hamon ang relasyon ng real-life celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby, ayon sa pahayag ng Cornerstone Entertainment, ang talent management company ng dalawa.
Sa isang pahayag, kinumpirma ng agency na may pinagdadaanan ang relasyon nina Catriona at Sam, pero patuloy itong inaayos ng magkasintahan.
“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together,” sabi sa post.
Umapela naman ang Cornerstone Entertainment na bigyan ng privacy ang dalawa.
“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation,” inihayag nito.
Dagdag nito, “We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple.”
Statement from the management regarding the rumors surrounding the relationship of Sam Milby and Catriona Gray. pic.twitter.com/H7oi3kBMTV
— Cornerstone Entertainment (@cornerstone_ofc) February 28, 2024
Taong 2019 nang umusbong ang dating rumors nina Catriona at Sam, pero noong 2020 lamang nila kinumpirma ang kanilang romantic relationship.
Inanunsyo nila ang kanilang engagement noong February 2023.
Dispelling breakup rumors
Matatandaang nagsilabasan ang ispekulasyong hiwalay na ang magkasintahan nang mapansin ng ilang eagle-eyed fans na hindi na umano suot ng Miss Universe 2018 titleholder ang kanyang engagement ring sa kanyang recent posts.
Nag-post sa Instagram ang Filipina beauty queen ng ilang litrato ng quality time kasama ang mga alagang aso.
Wala ang aktor sa litrato pero naka-tag ang kanyang Instagram account sa nasabing post.
“O, relax na kayo, naka-[tag] si Sam,” comment ng isang netizen.
Sinorpresa ni Sam ng isang debut party si Catriona sa ika-30th birthday ng kanyang fiancee noong nakaraang buwan. Nag-share rin ng birthday moments si Catriona sa isang Instagram reel, kung saan nag-thank you siya sa mga nag-organize at dumalo sa event kabilang ang kanyang fiancé.
“Also to my love @samuelmilby I love you,” sabi ng beauty queen sa caption.
Last weekend, spotted din sina Catriona at Sam na magkasama sa first trade-launch gathering ng aktres na si Isabel Oli. Makikitang magkatabi sa upuan ang dalawa sa isang kuha kasama si Isabel na ibinahagi niya sa Instagram.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang celebrity couple sa breakup rumors.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?