fbpx

Kabaong na ginamit ni Dingdong Dantes sa ‘Rewind,’ naibenta sa halagang P250K

by Joanna Deala

MAYROON na namang naidagdag sa koleksyon ang internet personality na si Boss Toyo.

Ito’y matapos niyang mabili ang kabaong na ginamit ng aktor na si Dingdong Dantes sa pelikulang “Rewind,” isa sa opisyal na entries sa 49th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at ngayo’y tinaguriang highest-grossing Filipino film.

Sa bagong episode ng “Pinoy Pawnstars” nitong Biyernes, makikitang personal na dinala ni Pasky Ilagan, may-ari ng isang funeral service provider, ang imported na metal casket na nirentahan sa kanya ng production team ng naturang pelikula.

“Ito po [yung] ginamit sa shooting sa ‘Rewind.’ First time humiga ni Dingdong Dantes,” sagot ni Ilagan nang tanungin siya kung anong espesyal sa kabaong kanyang dinala sa shop ni Boss Toyo.

Kwento naman ni Ilagan, ito ang unang beses na may nagrenta sa kanila ng kabaong para gamitin sa isang pelikula.

Matapos inspeksyunin ang kabaong, deretsahang tinanong ng internet personality kung magkano ito balak ibenta at pinresyuhan ito ni Ilagan ng tumataginting na P1 milyon.

Mabibili ng isang ordinaryong kliyente ang naturang kabaong sa halagang P350,000, kasama na ang funeral service gaya ng karo.

“Ang balak po sana namin, yung shooting kasi medyo mabilis, pipirmahan sana ni Dingdong,” Ilagan said.

Pero dahil wala namang pirma ng Kapuso actor ang kabaong, tinawaran ni Boss Toyo ang inisyal na offer ni Ilagan at nagkasundo sila sa halagang P250,000.

Nagpahatid din ng mensahe si Boss Toyo para sa aktor at humiling na sana’y mapirmahan niya ang kabaong.

“Sir Dingdong, alam kong nanunuod ka lagi ng ‘Pinoy Pawnstars,’ [nandito] sa harapan ko yung hinigaan mo sa ‘Rewind,’” sabi ni Boss Toyo. 

Dagdag niya, “Pasyalan mo naman ako dito sa aking munting shop at mapirhaman na ‘to.”

‘Mejo malambot’

Samantala, nabalitaan at nag-react din si Dantes sa pagbili ni Boss Toyo ng kabaong na kanyang hinigaan sa ‘Rewind.’

“Mejo malambot naman siya sa loob…” sabi ng aktor sa kanyang Instagram story na parang nagbigay ng review sa isang produkto.

Photo courtesy: Screenshot from @dongdantes’ Instagram story

Gumanap na John sa “Rewind” si Dantes, kung saan nakatambalaan niya ang kanyang asawa at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, na siya namang nagbigay-buhay sa karakter ni Mary. Umikot ang kwento ng “Rewind” sa kung paano ginamit ni John ang oportunidad na bumalik sa nakaraan para ayusin ang relasyon niya sa kanyang pamilya at iligtas ang kanyang asawa.

Nitong nakaraang buwan opisyal na naging highest grossing Filipino film of all time ang “Rewind,” matapos makalikom ng kabuuang worldwide gross na P889 million.

Nalampasan nito ang “Hello, Love, Goodbye” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kumita ng P880 milyon noong 2019. 

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.