fbpx

Jung Kook ng BTS, maglalabas ng fan-dedicated song na ‘Never Let Go’

by Joanna Deala

ILANG araw na lang ang binibilang ng K-pop powerhouse na BTS bago ang kanilang 11th debut anniversary. Pero kahit na nasa military service ang K-pop idols, hindi ito hadlang sa sorpresa nila para sa kanilang minamahal na fans.

Inanunsyo ng BigHit Music, agency ng boy group, na maglalabas ng bagong kanta ang pinakabatang miyembro at vocalist ng BTS na si Jung Kook.

Ito ay ang “Never Let Go,” isang track na inihahandog niya para sa kanilang fans na kilala bilang ARMY.

Ayon sa ahensya, ang bagong kanta ay pasasalamat ng K-pop star sa ARMY para sa kanilang pagmamahal sa BTS. Ipinahahayag din ng kanta ang mensaheng, “to never let go of each other’s hands.”

Ilalabas ang “Never Let Go” sa June 7, ilang araw bago ang debut anniversary ng BTS sa June 13.

Ito ang pinakabagong kanta ni Jung Kook matapos siyang pumasok sa military noong December 2023, kasama ang co-member na si Jimin. Sila ang huling dalawang BTS members na nag-enlist para sa mandatory military service sa South Korea.

Bago ito, inilabas ni Jung Kook ang kanyang debut solo album na “GOLDEN” noong November 2023. Mapakikinggan sa album ang mga kantang “3D (feat. Jack Harlow),” “Closer to You (feat. Major Lazer),” “Seven (Feat. Latto),” “Standing Next to You,” “Yes or No,” “Please Don’t Change (feat. DJ. Snake),” “Hate You,” “Somebody,” “Too Sad to Dance,” at “Shot Glass of Tears.”

Gumawa ng kasaysayan ang “golden maknae” ng BTS nang maging longest-charting album ang “GOLDEN” sa Billboard 200.

Hugs from Jin

Inanunsyo rin ng BigHit Music ang special surprise ng isa pang BTS member na si Jin para sa kanilang debut anniversary month.

Ayon sa ahensya, magkakaroon ng in-person event si Jin para sa BTS FESTA ngayong taon, kung saan magkakaroon ng oportunidad ang ilang fans na mayakap o maka-handshake ang K-pop idol.

Ito’y parte ng unang bahagi ng event na pinamagatang “Jin’s Greetings.”

Magpe-perform naman si Jin sa ikalawang bahagi ng event na tinawag na “Message from Jin.” Magkakaroon ito live streaming para sa mga fans na may Weverse membership.

Gaganapin ang in-person event sa Jamsil Indoor Stadium sa Seoul, South Korea sa June 13.

Matatapos ang military enlistment ni Jin sa June 12. Siya ang unang BTS member na makakakumpleto ng kanyang military service.

About BTS

Nag-debut ang BTS noong June 13, 2013 nang ilabas nila ang kanilang album na “2 Cool 4 Skool.”

Binubuo ang grupo ng pitong miyembro na sina RM, Jin, SUGA, j-hope, Jimin, V, at Jung Kook.

Gumawa ng pangalan ang BTS sa Amerika nang sila’y naging pinakaunang Korean boy group na nakatanggap ng Gold certification mula sa Recording Industry Association of America (RIAA) para sa kanilang kantang “Mic Drop.” 

Nakamit ng septet ang kanilang pinakaunang nominasyon bilang Best Pop Duo/Group Performance sa 2021 GRAMMY Awards show para sa kanilang chart-topping single na “Dynamite.”

Ilan pa sa kanilang sikat na kanta ay ang “Boy With Luv (Feat. Halsey),” “ON,” “Black Swan,” “Life Goes On,” “Butter,” at “Permission to Dance.”

Nakatakdang mag-reunite ang BTS sa 2025 pagkatapos nilang makumpleto ang kanilang mandatory military service.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.