fbpx
philippine news

It’s Showtime, mapapanood na sa GMA simula April 6 

by Deanna Macaranas

Recently updated on April 9, 2025 02:46 pm

MAPAPANOOD na sa GMA ang sikat na Kamapilya noon-time show na ‘Its Showtime’ simula April 6 mula 12:00 nn hanggang 2:30 pm. 

Ang Kapamilya noon-time show na “Its Showtime,” ay unang ipinalabas sa ABS-CBN Network noong October 24, 2009. Ang naturang programa ay di lang limatado sa lokal na manonood dahil ito din ay ipinalabas sa labas ng bansa sa pamamagitan ng TFC, YouTube, Facebook, Kapamilya Online live, at ng  iWantTFC. 

Patuloy na tumakbo ang programa na kinaaliwan ng maraming tao, kahit na nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN Network noong May 5, 2020. 

Kahit tumigil ang network sa free TV, patuloy pa din tumakbo ang programa sa pamamagitan ng cable and satellite channels gaya ng Kapamilya, Jeepney Tv, at free-to-air channel A2Z. 

Samantala, una namang umere sa second free-to-air channel na GTV ang programa noong July 2023. 

Unang naging usapan ang paglipat ng Kapamilya noontime show sa GMA noong ininulat ng Pilipino Star Ngayon na “mukhang pinaplantsa” ng ABS-CBN at GMA ang paglipat ng programa. 

Pero nagging totoo ito kalaunan at naging opisyal ang paglipat nung noontime show noong March 20 kung saan pormal na pumirma ng kontrata ang executives ng GMA Network and ABS-CBN Network kasama ang “Its Showtime” hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Amy Perez, Ryan Bang, Darren Espanto, Ion Perez, MC Lassy, Jackie Gonzaga, and Cianne Dominiguez. 

Bago naganap ang opisyal na contract signing ng naturang programa, unang naglabas ang teaser ang Facebook page ng “Its Showtime” kung saan sila ay nagrelease ng 10-second clip na merong nakasulat ng “Abangan ang good news mamayang 4 pm.”  

Ang opisyal na contract signing ng show ay livestream din kung san hinost naman ito nina Robi Domingo at Iya Villania. 

Nagpasalamat din ang isa sa mga “Its Showtime” host na host na si Vice Ganda dahil sa pagbibigay ng bagong tahanan ng kanilang programa. Kanya ding dinagdag na hindi niya sasayangin ang oportunidad ibinigay sa kanila. 

Patuloy pa din ang pagbrobroadcast ng naturang programa sa GMA Pinoy TV at sa free-to-air television network GTV. 

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.