fbpx
Dulot ng baha: Iilang isda natatagpuan na sa loob ng mga building

Dulot ng baha: Iilang isda natatagpuan na sa loob ng mga building

by Gaby Agbulos

KINAGIGILIWAN ngayon ng mga netizen ang iilang mga post na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng isda na lumalangoy papasok ng mga building sa Metro Manila.

Isa na dito ay ang isang bidyo na inupload sa X na nagpapakita ng isang hito na lumalangoy papaloob ng opisina ng Court of Appeals.

“Baka galing yan sa aquarium ng kapitbahay, nags-stroll lang,” biro ng isang netizen.

Sulat pa ng isa: “Baka may apela po sila, inuna pang i-post dito, bago [pakinggan] yung side ng hito.”

Isa ring post na sumikat sa X ay nagpapakita ng iilang mga koi fish na umiikot sa De La Salle University, na paliwanag ng mga estudyante ay galing sa mga koi pond na nakapalibot sa unibersidad.

Biro ng isang netizen ukol dito: “I wonder where the turtle is.”

Sagot naman sa kanya ng isa pang X user ay siguro nasa Taft Avenue na iyon.

Mayroon ding iilang nakahanap pa ng mga lumalangoy na isda na dulot ng malalakas na ulan; sa Salvacion, Quezon City, may iilang nakita na dumadaan sa mga kalsada.

May mga nag-post din sa X na iilan na nakahanap din ng isda sa kanilang mga subdivision.

Mga update tungkol sa Carina

Sa kasalukuyan, nasa Signal No. 1 pa rin ang Typhoon Carina sa iilang parte ng Northern Luzon, at Signal No. 2 naman sa Batanes, ayon sa Philippine News Agency (PNA).

Ito ay gumagalaw northward papuntang Philippine Sea, ayon sa PAGASA. Sa ngayon, ang kalagitnaan ng typhoon ay nasa Itbayat, Batanes, at inaasahang gagalaw papuntang Taiwan.

Iilang mga lugar sa Metro Manila ngayon ay nasa red rainfall warning na, katulad na lamang ng Bataan, Cavite, at Metro Manila. Marami na ring mga kalsada ang ipapasara muna dahil sa taas ng baha, tulad ng iilang mga daanan sa Taft Avenue.

Dahil sa lakas ng typhoon ay nagsuspinde na din ng trabaho sa iilang mga opisina sa gobyerno, pati mga klase sa NCR.

Isinasabing hanggang Biyernes pa ang malakas na ulan sa Luzon, kaya sa kasalukuyan ay inirerekomenda munang bumili na ng mga kailangan na gamit, tulad na lamang ng pagkain, tubig, at pang-first aid, at manatili muna sa mga tirahan hangga’t makakaya.

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.