MAGBABALIK sa entertainment industry ang global fashion icon at presidente ng Senate Spouses Foundation Inc. (SSFI) na si Heart Evangelista para sa kanyang upcoming international film.
Sa Instagram story, ibinahagi ni Evangelista ang kanyang litrato na tila kuha mula sa isang eksena sa pelikulang “Infamous 6.”
“‘Infamous 6. Soon,” sabi ni Evangelista sa caption ng post.
Bukod dito, nagbahagi rin ang isang netizen ng video ng sneak peek ng pelikula, na ipinalabas sa Toycon 2024 event na ginanap sa SMX Convention Center Manila.
Makikita sa clip ang behind-the-scenes ng filming para sa “Infamous 6.”
Wala pang masyadong detalye tungkol sa pelikula tulad ng premiere date at plot nito. Pero ayon sa IMDb, gagampanan ni Evangelista ang karakter ni Mei sa pelikula.
Huling bumida sa teleserye si Evangelista noong 2021 para sa romance series na “I Left my Heart in Sorsogon,” kasama sina Paolo Contis at Richard Yap. Huli naman siyang bumida sa pelikula noong 2014 sa romantic-thriller film na “Trophy Wife” at biographical film na “Felix Manalo” noong 2015.
Noong 2021, ibinahagi ni Evangelista sa panayam sa kanya ng Philstar.com na tumungo siya ng China para sa isang pelikula.
Pero ang pelikulang ito ay hindi “China Rich Girlfriend,” kundi isang action Hollywood movie na hindi niya pinangalanan noon. Ayon sa kanya, first time niyang nagkaroon ng fight scene para sa pelikula.
Wala pang kasiguraduhan noon kung kailan maipalalabas ang kanyang upcoming movie dahil sa COVID-19 pandemic.
Excited fans
Palaisipan sa ilang social media users sa comment section ng post ng nabanggit na netizen kung “Infamous 6” ba ang pelikulang shinoot ni Evangelista noon sa China.
Makikita rin kasi sa sneak peek video ang Chinese characters na nakasulat sa “Quiet on the set filming in progress” sign.
Gayunpaman, maraming fans ang nagsabing “excited” sila para sa bagong pelikula ni Evangelista.
Bumalik si Evangelista sa France para sa Paris Fashion Week kung saan ibinida niya ang kanyang banig-inspired outfit na gawa ni fashion designer Ivara Seron.
Follow republicasia on Facebook, Twitter, and Instagram to get the latest.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?