NGAYONG graduation season, highlight sa mga mensahe at posts mula sa mga nagsipagtapos na mga estudyante sa kolehiyo ang hirap na pinagdaanan nila sa isang buong taong pagsusunog ng kilay.
Pero ang higit na hinangaan ng netizen ang speech ng dalawang kindergarten graduates.
Isa rito ang 6 y/o na estudyante mula sa School of Our Lady of Atocha Inc. sa Alicia, Isabela na nag-viral sa taos puso niyang mensahe sa kanyang moving-up ceremony.
“My kindergarten school year helped me grow braver, smarter, kind-hearted, and more grateful. I really, really enjoyed going to school,” said Maverick Cyrus Velayo.
“And thank you to all my teachers. To my classmates and friends, I hope to see you in the next school years, as we continue to study hard for a brighter future.”
Isang rason kung bakit tuwang-tuwa ang netizens kay Maverick ay dahil matatas siya sa wikang Ingles hanggang sa pagbigkas.
Ni wala siyang script o kodigong binabasa, impromptu raw ang speech ayon sa netizens.
“Great work, young individual! Your articulation and pronunciation are impressive. Your speech is truly remarkable.Congratulations little one,” sabi ng isang netizen.
Pinuri rin ng isang netizen ang mga magulang ni Maverick, dahil hindi raw basta-basta ang maturuan at matutukang mabuti ang mga bata ngayon sa kanilang pag-aaral.
“Nowadays, as a parent, it is a struggle to teach our children to focus on their studies. Especially in teaching them English. Well delivered and really very good in speaking English. Salute to you and to your parents for a job well done,” dagdag pa ng isang netizen.
At gaya ni Maverick, kinagiliwan din si Lex Niccolo Vasquez, isang 4 y/o graduate sa daycare ng Barangay Coroconog, San Roque, Northern Samar. Confident. Wala rin siyang script nang i-deliver niya ang kanyang graduation speech sa Ingles.
“I can’t believe I’m moving up. It feels like just yesterday I was learning my ABCs. Time sure does fly when you’re having fun,” nagbalik-tanaw ang four-year-old student.
“As I look ahead to the future, I know there are endless possibilities waiting for us. We may be small, but we have big dreams and hearts full of curiosity.”
“So, fellow movers, let’s celebrate our accomplishments, our friendship, and the amazing journey we’ve been on together. Here’s to us, the class of 2024. Remember, the future is bright, and you are destined for greatness,” tinapos niya ang kanyang mensahe.
Punumpuno ng mabubuting komento para sa kina Maverick at Lex Niccolo na malinaw na naiparating ang kanilang mensahe, na parang hindi galing sa mga bata.
Kaya naman thumbs up ang netizens na deserving ang mga bata sa narating at handang-handa na sa panibagong yugto sa kanilang pag-aaral.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?