MULA sa pagiging co-stars sa dating sikat na sketch comedy show, mag-asawa na ngayon ang “Goin’ Bulilit” alumni na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz.
Ibinahagi ito ni Mika sa Instagram nitong Sabado, May 18. Nag-post siya ng kanyang litratong suot ang isang off-shoulder serpentina gown na gawa ng fashion designer na si Julianne Syjuco, habang nakatayo sa dulo ng pasilyo.
“Walking towards my God-sent, my Love, and my forever. #NASHakanyanasiMIKA,” pahayag ni Mika.
Nagbahagi naman ang Nice Print Photo ng behind-the-scene clips ng pag-iisang dibdib ng celebrity couple na ginanap sa Tagaytay. Makikita rin sa video na dumalo sa kasal ang ate ni Mika at aktres na si Angelika Dela Cruz.
Binati rin ng Nice Print Photo sina Nash at Mika sa kanilang kasal at sinabing isang karangalang i-cover ang espesyal na araw ng dalawa.
“[Mika] and [Nash] have officially tied the knot. 17 years in the making and 3 ‘books’ of their love story all leading to this special day,” wika nito.
Dagdag nito, “t’s been a long time coming since Goin Bulilit days, but their love remains as strong as ever.”
Binati rin sina Nash at Mika ng kanilang wedding planner na La Belle Fête nang magbahagi ito ng litrato nina Mika at Nash, kung saan makikitang napalilibutan sila ng mga puno’t bulaklak.
Taong 2018 nang isapubliko ni Nash ang relasyon nila ni Mika. Kwento pa niya pa noon, idinaan ni Mika sa isang 15-page letter ang pagsagot niya kay Nash.
Parehong bumida sina Nash at Mika sa now-defunct sketch comedy na “Goin’ Bulilit” at naging magkatrabaho sila sa ilan pang Kapamilya shows tulad ng teen sitcom series na “Luv U.”
Lumipat si Mika sa GMA Network noong 2016.
Congratulatory message
Samantala, bumuhos din ang pagbati ng ilan sa mga kasamahan nina Nash at Mika sa entertainment industry.
Kabilang na rito sina Gabbi Garcia, Sharlene San Pedro, Jerome Ponce, Jak Roberto, Shaira Diaz, Joshua Garcia, Kristel Fulgar, Jasmine Curtis-Smith, Ria Atayde, at Alessandra De Rossi.
“Omg Mikaaaa. I know you’ve been waiting for this day. I’m so so so happy for you and Nash!!! you deserve all the love and happiness. Congratulations, beautiful couple!” comment ni Gabbi sa Instagram post ni Mika.
“Calvin.. Buddy.. Papi.. Bro.. happy for you…” saad naman ni Jerome, na tumutukoy sa karakter ni Nash sa crime drama series na “The Good Son.” Naging co-stars sa palabas na ito sina Nash, Jerome, at Joshua.
Binati rin ni dating ABS-CBN executive Charo Santos-Concio sina Nash at Nika.
Nag-post naman si Angelika sa kanyang Instagram page ng litrato ng kanyang kapatid at ni Nash at sinabing, “I love you both.”
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?