fbpx
‘Frantic granny’ meme, viral sa TikTok

‘Frantic granny’ meme, viral sa TikTok

by Joanna Deala

MAY panibagong meme na naman na kinatutuwaan ang netizens sa video-sharing platform na TikTok.

Ito ay ang viral video ng isang lola mula sa ibang bansa na umaaktong naaaligaga. Video ito ng isang netizen na may TikTok handle na @the_devonmaid, na una niyang pinost noong Hunyo.

Ginawa niya ang video para ipakita ang nakakatawang point of view o POV ng isang lola kapag makikipaglaro siya ng tagu-taguan. Sa kasalukuyan, mayroon na itong higit tatlong milyong views sa social media platform.

May green screen version na ang naturang video na ginagamit ngayon ng maraming TikTok users para gumawa ng memes tungkol sa kanilang relatable experience kung saan naaaligaga o hindi sila sigurado kung anong dapat nilang gawin.

Pinoy memes

Syempre, hindi magpapahuli ang mga Pilipino pagdating sa paggawa ng memes. 

Una na rito ang eksena kung saan bumabyahe ka pa lang sa pampasaherong jeep pero pinagmamadali ka na ng kaibigan mong makarating sa iyong patutunguhan.

@..using.this.username

manong tabi ako na magdrive, bilisan ko daw hahahahaha . . . . . . . . . #CapCut #pov #povs #schoolmoments #jeep #funny #fyp

♬ original sound – I Green Screen Things

Mayroon ding meme kung saan nagmamadali kang hanapin ang iyong mga kaibigan sa kabilang section dahil 20 minuto lamang ang break time niyo sa eskwelahan.

@skujvi

bumaba na pala kasama bagong mga tropa👹👹👹 #fyp #pogiproblems

♬ original sound – I Green Screen Things

Nag-comment pa rito ang isang netizen ng, “Nahiya naman yung 10 minutes namin anu.” Pabirong reply naman ng nag-post, “Sino ba may sabi na mag-break time pa kayo?”

Relate rin ang maraming netizens sa isang version ng meme na tumutukoy naman sa mga late nagigising para sa trabaho. Ang eksena sa video ay 8 a.m. magsisimula ang trabaho pero 7:30 a.m. na magigising.

Dagdag pa rito ang POV kapag naman nagkayayaan kayong mag-inuman ng mga kaibigan mo sa inyong bahay. Pero bilang host, ikaw rin ang tutugon sa kabi-kabilang request ng iyong mga bisita tulad ng pagbili ng yelo, pagbibigay ng kutsara, tinidor at mangkok, at pag-aayos sa mga upuan at playlist niyo sa inuman.

@prinzreyes0

awit sainyo par kayo hilo na sa alak ako hilo na sa utos 😂 #fypシ゚viral #fypシ #alakpa

♬ original sound – I Green Screen Things

“Imbis na malasing, napagod ka na lang eh,” comment ng isang netizen.

Pero hindi pa rito magtatapos ang iyong tungkulin. Sabi ng isang social media user, “Tapos kinabukasan, hangover ka na nga maghuhugas ka pa.”

Marami ring naka-relate sa isang meme entry tungkol sa karanasang maligaw sa loob ng Glorietta, isang shopping mall sa Makati. Matatandaang nagkaroon ng diskusyon sa social media tungkol sa kung anong mall ang pinaka nakakalitong ikutin, at isa na ang Glorietta sa mga nabanggit.

“POV: Hinahanap mo palabas ng Glorietta,” sabi sa caption ng video.

https://www.tiktok.com/@neytttttttt/video/7399261221750443271

May isang netizen pa ngang nagbahagi sa comment section tungkol sa unang beses niyang pagpunta sa Glorietta.

“Naalala ko dati first time ko sa Glorietta, nahihiya kasi ako magtanong, pa-Greenbelt dapat ako, namalayan ko na lang nasa MRT nako,” kwento niya.

Naligaw din sa naturang mall ang isa pang social media user. Ayon sa kanya, unang beses niya rin gumala sa Glorietta at muntikan pa siyang maabutan ng closing time kakahanap kung saan siya lalabas sa mall.

Kasama rin sa entries ang POV para sa mga ilaw ng tahanan. Kabilang na rito ang pagpa-panic ng mga nanay tuwing bumubusina na ang truck ng basura kahit malayo pa sa bahay, pagkalito sa sabay-sabay na meeting sa eskwelahan ng kanilang mga anak, at pagkaaligaga kapag umuulan at maraming sinampay.

@loydric18

#Meme #MemeCut #CapCut hahahahhahahaha SPECIAL CREDIT TO THE ORIGINAL Grandma, @The Devon Maid ❤️ please Follow her on Tiktok she is so lovely and fun.

♬ original sound – I Green Screen Things

Creator’s reaction

Hindi lamang sa Pilipinas umabot ang video ni @the_devonmaid at naging meme rin ito sa iba’t ibang bansa.

Kahit ang naturang netizen ay natuwa at ginamit ang kanyang viral post sa sarili niyang meme.

“POV: When you find out you are a meme all over social media and don’t know whether to laugh, cry, hide, show off, die of embarrassment or embrace it!” sabi niya sa caption.

May ilan namang nag-comment sa kanyang post at pinasalamatan siya sa pagbibigay niya ng kasiyahan sa netizens.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.