MAY REWARD si Star Magic Laurenti Dyogi sa sinumang makapagbabalik ng nawawalang standee ni BINI member Sheena mula pa noong National BINI Day.
Trending ngayon sa social media ang salitang “Finding Sheena” at hashtag na “Sheena Hanap Hanap Kita” matapos umapela ni Dyogi sa publiko na ibalik ang life-sized standee ni Sheena na naka-display sa One Ayala Mall sa Makati, kung saan ginanap ang “BINI hour” ng nation’s girl group.
Ginanap ang “BINI Hour” sa pagdiriwang ng ikatlong annibersayo ng BINI nitong June 11. Dito nakasama ng walong miyembro ng girl group na sina Jhoanna, Gwen, Stacey, Maloi, Colet, Mikha, Aiah at Sheena ang kanilang fans, o mas kilala bilang BLOOMs.
Pero sa videos at litratong kumalat sa social media, makikita kung paano itinakas ng isang indibidwal ang standee ni Sheena mula sa lobby ng venue para sa “BINI Hour.” Bitbit ng isang babae ang naturang standee habang nagmamadaling bumababa sa escalator.
hustisya para sa standee ni sheena!!!#SheenaHanapHanapKita
— ً ࣪𐂂 (@thinksley) June 20, 2024
pic.twitter.com/HtOj4zvYm4
Dahil dito, naglunsad sina Dyogi ng “Finding Sheena” campaign para hanapin ang standee.
“Nabalitaan namin na—I hope hindi siya BLOOM, pero malamang sa malamang eh BLOOM itong taong ‘to dahil nandun sa BINI Hour—na medyo po tumangay sa isa nating standee,” pahayag ni Dyogi.
Ikinalungkot aniya nila ang pagkuha sa standee ni Sheena dahil una sa lahat, hindi magandang kumuha ng gamit na hindi nila pag-aari.
“At the same time, very important din ito sa amin. Very important not only figuratively because kailangan kumpleto sila, but because it happened on the anniversary day of BINI,” dagdag ni Dyogi.
Binigyang-diin din ni Dyogi na mahalagang makumpleto ito para magkaroon din ng oportunidad ang ibang fans na makapagpa-picture sa walong standees ng BINI members.
Bilang kapalit, may “surprise award” kung sinuman ang makapagbabalik ng standee ni Sheena, ani Dyogi.
“Sa mga darating na panahon, magkakaroon ng special reward kung sinuman ang makakapagbalik sa amin ng standee ni Sheena. Kailangan po hindi kayo ang kumuha non ha?” sabi ng Star Magic head.
#BINI : Huwag muna tayong umuwi BL♾️M, at sama sama nating hanapin ang nawawalang standee ni @bini_sheena! Ilabas na ang inyong mga 🕵️♀️detective skills dahil we can’t feel good kung hindi #WaloHanggangDulo ang ating BINI standees!♾️ 🎱
— BINI_PH (@BINI_ph) June 20, 2024
Full vid here:
🔗https://t.co/uIMU6JT7sO pic.twitter.com/4itwNOcUBT
Humingi rin si Dyogi ng tulong sa iba pang BLOOMs para matunton ang nawawalang standee.
Nag-comment naman dito si Sheena at sinabing, “[Hindi] ko inakala na dadating sa point na gagawan ng video ni Direk Lauren yung nawawalang standee ko… guys I made it.”
Memes
Naglabasan sa social media ang samu’t saring memes tungkol sa “Finding Sheena” campaign ng Kapamilya network.
May ilang BLOOMs ang nagbahagi ng nakakatawa nilang edits ng litrato ni Sheena na nakapatong sa mukha ng sikat na clownfish na si Nemo sa pelikulang “Finding Nemo.”
May entry din ang isang netizen na in-edit ang litrato ng ibang BINI members na namimigay sa Binondo ng flyers kung saan naka-imprenta ang larawan ni Sheena at may nakasulat na “Missing: BINI Sheena Standee.”
#SheenaHanapHanapKita#FindingSheena pic.twitter.com/2WuZdBsU4U
— jae (@luvaiahkinss) June 20, 2024
Naging katatawanan man ito para sa ilang fans, may mga netizen pa rin na nagpaalala sa BLOOMs na hindi magandang gawain ang pagkuha sa isang bagay na walang permiso.
on a serious note, that #SheenaHanapHanapKita for a missing standee is a way to discipline blooms na hindi na umabot pa sa puntong magnakaw ng standee ang pagfafangirling or fanboying. hindi lang naman siguro to para sa blooms and para sa possible maapektuhan ng mga ganitong +
— jen ♡ (@jnyscart) June 20, 2024
Laro kasi kayo😭 pero totoo si direk na hindi maganda ung mag uuwi ka ng isang bagay ng hindi naman sayo, and isa pa walo hanggang dulo nga dba pito nalang sila so pls ibalik nyo na ung standee ni sheena #sheenaHanapHanapkita https://t.co/3g7tTj6sYU
— karlowta (@KarlFrancisJav2) June 21, 2024
Milestones
Sunod-sunod ang tinatamasang tagumpay ngayong taon ng BINI, kabilang na ang kanilang record-breaking na mga kanta.
Nitong Linggo, ibinalita ng Star Music na gumawa ng kasaysayan ang BINI bilang “first Filipino act” na nanguna sa Daily Top Artists Philippines chart ng digital music platform na Spotify. Pinalitan ng grupo sa number one spot si American singer-songwriter Taylor Swift.
Nakatakdang ganapin ang unang concert ng BINI sa June 28 hanggang 30 sa New Frontier Theater sa Quezon City.
Bago ito, magkakaroon ang girl group ng fun run sa Quirino Grandstand sa Maynila sa Linggo, June 23.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?