ANG pagpili ng pangalan para sa isang anak ay isa sa mga pinakamahalagang desisyon na haharapin ng mga magulang.
Pero sa kabila ng kahalagahan nito, may ilang magulang na pinipiling bigyan ang kanilang mga anak ng kakaibang pangalan.
Ang pangalan ay hindi lamang isang simpleng label, kundi ito ay nagtataglay ng malalim na kahulugan at maaaring magdala ng mga oportunidad o hamon sa buhay ng isang tao.
Kamakailan, dalawang pangalan mula sa National Science High School sa Negros Occidental ang nag-viral sa social media, nang dahil sa pangalan ng ilang estudyante nila.
Sa listahan ng aplikante para sa School Year 2024-2025 na pinost ng Negros Occidental National High School noong Linggo, napukaw ng listahan ang atensyon ng netizens dahil sa dalawang pangalang nangibabaw mula sa listahan na ito.
Agad na napansin ng mg netizens ang number 60 at 75, kung saan mayroong estudyante na nagngangalang Nicki Minaj Montes at Kemyruth Jimenez.
Si Nicki Minaj ay isang kilalang rapper/singer mula sa United States. Sa loob ng isang dekada, ilang beses nakapasok ang kanyang mga kanta sa Top Hits, lalo na ang mga singles na “Super Bass,” “Starships,” at “Anaconda.”
Sa kabilang banda, ang pangalang Kemyruth naman ay malapit sa kilalang Filipino slang word na “kemerut.” Ang ibig sabihin ng “keme” ay “etcetera,” ayon sa Tagalog.com.
Ang ekspresyon o salitang ito ay gamit na gamit ng mga nakababatang henerasyon lalong lalo na kapag hindi nila alam kung ano ang pangalan o paano ipapaliwanag at ilalarawan ang isang bagay.
Dala ng mga kahulugan ng mga pangalang ito, napukaw ang atensyon ng mga netizens na nagdala naman ng tuwa sa kanila. Inulan din ng pagbati kay Nicki Minaj at Kemyruth ang comments section ng post.
“Congrats po, Kemyruth Jimenez and Nicki Minaj Montes, HAHAHAHA, bonggels ng names n’yo, mga bhie!!!!!” sabi ng licensed teacher and streamer na si Beki Mon sa Facebook.
Bukod pa rito, marami pang ginawa ang mga netizens sa post. Ang iba nga ay tina-tag pa ang mismong Facebook page o account ng singer na si Nicki Minaj na naging katatawanan sa comments section.
Nakakatawa man ang mga pangalan na ito, hiling pa rin ng ilan sa comments section na hindi sana makaapekto ang kanilang pangalan sa pagpasok nila sa paaralang ito.
Bagama’t maaaring magdala ito ng kasiyahan at pagiging natatangi, mahalagang isaalang-alang ang mga posibleng negatibong epekto nito sa bata, tulad ng pang-aasar at stress.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?