fbpx

Cum Laude-graduate, binigyan ng kambing ng nobyo

by Bryan Gadingan

ANG pagtatapos ng pag-aaral ay isa sa pinakamahalagang bahaging buhay ng isang estudyante. Ito ay isang okasyon na puno ng kasiyahan, pasasalamat, at pag-asa para sa hinaharap. 

Sa kabila ng seryosong diwa ng pagdiriwang, hindi maikakaila na ang pagbibigay ng nakakatawang graduation gift ay isang paraan upang magdagdag ng aliw at saya sa okasyong ito.

Graduation season na, kaya’t nagbabalik na naman ang mga kakaibang regalo na nakikita natin sa social media. Mga regalong hindi natin inaasahan, at talaga namang nagdadala ng kasiyahan sa mga netizens.

Ang mga araw na bulaklak, pera, at iba’t ibang mamahaling gamit bilang regalo sa mga nagtatapos ng pag-aaral ay nagdaan na. Sa panahon ngayon, naglalabasan ang mga kakaiba’t hindi mawaring regalo.

Photo Courtesy: Camille R. Viloan | Facebook

Tulad na nga lang ng mag-jowa na ito sa Midsayap, Cotabato, kung saan niregaluhan ng nobyo ang kanyang partner na isang cum laude-graduate ng isang buhay na kambing. 

Nagtapos si Camille Viloan sa kursong secondary education, major in social studies. At sa mismong araw ng pagtatapos niya, ibinigay ng kanyang nobyo ang regalong kambing na ikinatuwa rin ng mga nakasaksi.

Ikinatuwa rin ni Viloan ang ginawang effort ng kanyang kasintahan dahil hindi raw ito mahilig sa mga sorpresa at pagreregalo. 

Sa tuwa nga nito, ipinost pa niya ito sa kamyang social media account habang ipinagmamalaki na siya ay isang “Cum Laudeng may kambing,” na agad ding nag-trending sa Facebook.

“It was a very memorable experience being surprised… I did not expect it because he is not the type of boyfriend who loves surprises and gifts! Thank you for showing your love! My success if your success as welll,” ibinahagi ni Viloan sa kanyang post.

Ani nga ng ilang nag-comment sa naturang post, naging praktikal lamang ang kanyang nobyo dahil binigyan siya ng kambing. Dagdag pa nga nila, ito raw ay nagmistulang pang kabuhayan showcase.

Ang mga nakakatawang graduation gift ay hindi lamang nagbibigay ng saya at aliw kundi nagpapaalala rin sa atin na sa kabila ng mga seryosong hamon ng buhay, mahalaga ang magkaroon ng kasiyahan at positibong pananaw. 

Ang bawat regalo, gaano man ito kalaki o kaliit, ay may kakayahang magbigay ng inspirasyon at magpapatibay sa loob ng sinumang makatanggap nito. 

Kaya’t sa susunod na may magtatapos sa iyong pamilya o kaibigan, huwag kalimutang isama ang isang nakakatawang graduation gift na magbibigay kulay at saya sa kanilang espesyal na araw.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.