SOUVENIRS ang ilan sa mga bagay na nagbibigay alaala sa mga indibidwal kapag sila ay bumibisita sa iba’t ibang lugar. Mga maliliit na bagay na panghahawakan nila bilang palatandaan sa kanilang karanasan.
Naging mainit na usap-usapan sa social media ang isang content creator na ipinagmamalaki ang kanyang koleksyon ng mga buhangin mula sa iba’t ibang tanyag na beach dito sa Pilipinas.
Ngunit, hindi naging maganda ang reaksyon ng mga netizens patungkol dito dahil sa pagoging iresponsable ng traveler na ito, patungkol sa pagpreserba ng natutal resources.
Ilan sa mga kilalang beach na napuntahan at kinolekta ng nasabing vlogger ay mula sa Panglao, Samal Island sa Davao, San Juan sa Siquijor, Buslon Island sa Surigao, Miniloc Beach at El Nido Palawan.
Bukod pa rito, may ilang international beaches din itong nakuhanan ng buhangin na lalong nagpa-init sa usap-usapan ng kawalang bahala niyo sa pagkuha ng sand.
Ayon sa ilang netizens, sana raw ay maiwasan ang pagkuha ng buhangin sa beach, dahil kahit pa sabihin na kaunti lamang ang kinuha, maaaring marami ang mawala kung marami ang mahihikayat na gumawa nito.
Bakit ito ipinagbabawal?
Lingid sa kaalamam ng nakararami na ipinagbabawal ang pagkolekta ng buhangin mula sa beach dahil ito ay bahagi ng likas na ekosistema ng dalampasigan at may mahalagang papel sa pagbalanse ng kalikasan.
Ang pagtanggal ng buhangin mula sa mga beach ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa mga halaman at hayop na nakatira dito.
Photo Courtesy: Unsplash
Gaya na nga lang ng Boracay, kung saan mahigpit na ipinagbabawal ng Municipal Ordinance No. 310 ang pagkuha ng white sand at maaaring mabigyan ng multa o makulong, at utusang ibalik ang buhanging nakuha mula rito.
Mahigpit itong ipinagbabawal dahil naaapektuhan nito ang kagandahan ng Boracay at nakadadagdag din sa environmental degredation ng isang lugar.
Pahayag ng content creator
Sa Facebook reels na pinost ng content creator, na ngayo’y nakapatay na ang comment section, humingi ito ng tawad at ipinaliwanag ang kanyang ginawa.
“Pasensya na po sa mga nagagalit may research lang po ako na ginagawa…wala po akong masamang intention,” ayon sa content creator.
Ang pangyayaring ito ay isang paalala na rin sa mga nagnanais bumisita sa iba’t ibang beach na hindi maaaring basta na lamang mag-uwi ng buhangin mula sa mga lugar na ito.
Hiling ng mga netizens ang higit na kamalayan mula sa mga manlalakbay at pagsunod sa etikal na turismo, upang masiguro ang pagpapanatili ng kagandahan ng mga dalampasigan.
Ang pag-uwi ng souvenirs ay hindi masama, ngunit kailangan maging ma-ingat ang mga Pilipino upang mapangalagaan ang mga sikat at dinarayong beach sa ating bansa.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?