fbpx

Content creator Benedict Cua, isa nang ama

by Joanna Deala

SINORPRESA ng celebrity vlogger na si Benedict Cua ang netizens nitong Lunes, May 27, matapos niyang ipakilala ang kanyang anak.

Ibinahagi niya ang milestone na ito sa isang vlog sa YouTube, kung saan ipinaliwanag niya rin kung bakit siya nawala sa online community ng halos dalawang buwan.

“I’m just very focused on accomplishing all my tasks and of course, being a hands-on father to my child,” ani Cua. “Ang sarap, sarap sabihin, ‘my child.’”

Bago pa ikwento ni Cua ang kanyang fatherhood journey, maraming aspeto muna ng kanyang buhay ang tina2lakay niya sa vlog—mula sa kanyang family background, educational background, career journey, quarter life crisis, YouTube career, mga pagsubok na kanyang pinagdaanan at paano niya ito nalampasan, mga reyalisasyon, hanggang umabot sa kanyang life update.

Ayon kay Cua, may tatlong bagay siyang pinagtutuunan ng pansin ngayong taon: ang kanyang pamilya, pagiging ama, karera, at negosyo.

“Gusto ko talaga this year ang pinaka ma-achieve ko is ang pagiging hands-on father,” pagbabahagi niya.

Sa bandang huli, ipinakilala na ni Cua ang kanyang anak na lalaki na pinangalanan niyang Aleck.

Photo courtesy: Screengrabbed from Benedict Cua’s YouTube vlog

“I just want to say I’ve had the best two months of my life. Ang daming nangyari, hindi ko alam saan ako magsa-start. I waited for so many years, and finally, he’s here,” wika niya, habang karga-karga niya ang kanyang anak. “Gusto ko i-immortalize every moment I have with him.”

Ibinahagi rin ng content creator kung paano siya naging doting father sa kanyang anak. Tinago niya aniya ang umbilical cord pati na rin ang unang gupit ng kuko ni Aleck.

Nag-iwan din ng mensahe si Cua sa kanyang anak at nangakong lagi siyang nandiyan para sa kanya.

“Ang promise ko lang is I will actively be present in every moment of your life. [I will] provide not only your physical needs, but aim to nurture your emotional wellbeing [as well]. [I will] try to instill kindness, goodness, love, and resilience,” sabi ni Cua.

Dagdag niya, “I may not have answers all the time, [but] I promise to seek guidance and be the best father that I can be. I’m not sure if you’re gonna watch this a few years from now, but I’ll be your home.”

‘Love of my life’

Sa Instagram, ibinahagi ni Cua ang ilan pang videos at litrato nilang mag-ama, kabilang na rito ang pagpapainit sa kanyang anak sa sikat ng araw.

“Aleck, my son. The love of my life. No words can explain this overwhelming love that I feel as I cradle you in my arms,” pahayag ng vlogger sa caption.

“I promise to be your home and your protection. To nurture you with infinite love, the same love you’ve already shown me from the moment you took your very first breath,” dagdag niya.

Sa comment section, binati naman si Cua ng kanyang mga kapwa content creator at celebrity.

“SOBRANG CUTE!!! So happy for you Ben!!!” comment ni Angel Dei.

“I love you both. Congrats Ben!” wika naman ni Awra Briguela.

Dagdag ni Donnalyn Bartolome, “He’s beautiful! Congratulations Ben!!”

May comment din si Mimiyuuuh para sa mag-ama, “Always proud of you Benedict. He’s lucky to have you as a dad!”

Ikinagulat naman ng celebrity photographer na si BJ Pascual ang balita na nagsabing, “Omg whaat?! Congratulations.”

“Omg brooooo!!! Congrats,” ani Richard Juan.

Kilala si Cua sa kanyang slice-of-life vlogs at travel vlogs sa YouTube kung saan mayroon siyang 1.76 million subscribers. Nakipag-collaborate na rin siya sa iba pang content creators tulad nina Mimiyuuuh, Kristel Fulgar, at Mika Salamanca.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.