USAP-usapan ngayon ang kontrobersyal na mga Chocolate Hills resort.
May nagalit, may nainis. Habang mayroong iba, na ginawa na lang itong katatawanan sa pamamagitan ng memes.
Dahil sa kakaibang hugis nito, nakilala ang Chocolate Hills bilang isa sa mga famous tourist attraction sa probinsya ng Bohol. Maliban sa kakaibang landscape nito, ang kulay naghills—mula sa kulay berde ay nagiging brown tuwing dry season.
Walang nakakaalam ng eksaktong bilang ng hills sa lugar ngunit sa tansya marami, umaabot ito mula sa bilang ng 1,268 hanggang 1,776.
Kamakailan lamang sa isang vlog ang nag-feature sa isang resort na nakatayo sa kalagitnaan ng hills. Mabilis ito naging viral sa internet dahil nasira nito ang kapaligiran ng naturang Chocolate Hills.
Lumabas din sa balita na ang Captain’s Peak Garden and Resort ay nagooperate kahit walang ECC (Environmental Compliance Certificate) at pagpayag mula sa DENR (Department of Environment and Natural Resource.)
Maya’t maya binatikos ng mga ilang Netizens sa kani-kanilang social media platforms ang naturang resort na nanaging ‘eyesore’ sa paningin ng ilang mga tourista.
Isang concerned Netizen sa X (dating twitter) ang nag-tanong kung paano pinayagan magtayo ng isang resort sa gitna ng Chocolate Hills.
Paano pinayagan magpatayo ng isang resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol? Hindi ba ma-didisturb ang ecosystem ng paligid? Pwedeng magkaroon ng mga soil erosion and baka masira ang mga hill formations within the vicinity of the resort? 🤔
— @pauloinmanila and 99 others (@pauloMDtweets) March 13, 2024
©️ ren the adventurer (fb) pic.twitter.com/ACFniLUKyM
Pinuna naman ng isa ang DENR, habang sinasabi na responsibilidad ng DENR ang pagpapagitil sa operasyon ng resort.
Kung protected landscape ang Chocolate Hills ng Bohol, bakit may nakapagpatayo ng resort at swimming pool? Nakakagalit ang katangahan na ito! DENR officials responsible for the blatant defacement of this important geological site declared as a geopark by UNESCO, should be sacked!
— Jerry B. Grácio (@JerryGracio) March 13, 2024
Pero sa gitna ng mga kontrobersya, talagang eksperto ang mga Pinoy na idaan ito sa katatawanan.
Isang X user ang nagpost ng larawan ng Chocolate Hills at Rizal Park habang kinukupara ang photobombers sa landscapes.
This resort within the landscape of the Chocolate Hills and Torre de Manila behind Rizal monument sits on the same table. pic.twitter.com/snn8gWKxNP
— KJ (@96Sijakz) March 13, 2024
Isang Netizen naman ang nagtanoong kung anong nakain ng nagpatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills.
to whoever thought of putting a resort in the middle of the chocolate hills, what tf r u on
— scooch (@miyavanana) March 13, 2024
Habang usap-usapin ang kontrobersyal na sa Chocolate Hills, nagsilantaran din ang iba pang resorts na nakatayo sa geopark.
Samantala, isang X user ang nag-share ng isang photoshopped thumbnail ng isang sikat na Youtuber na may caption na “We demolished Chocolate Hills Resort!”
You know what to do next @MrBeast. Please demolish this resort that is destroying Chocolate Hills' natural beauty and historical significance. Seriously, it is sad to see that people are willing to destroy nature for greed and money.
— G. (@G9428_) March 13, 2024
Nakakdismaya talaga mga corrupt officials.… pic.twitter.com/cnv1YvnzmE
Isang X user ang nag-edit naman ng video ng isang Filipino youtuber na kunwaring nagrereact sa Chocolate Hills resort.
Chocolate Hills Resort GLOCOpinion pic.twitter.com/8vGXuewvQC
— GLOCO🎣 (@GLOCOgaming) March 15, 2024
Habang may X user naman ang nag-share ng meme with the caption, “Me to that resort in Bohol Chocolate Hills.”
Isang Facebook user naman ang nagshare ng updated 200 pesos, featuring ang resort sa gitna ng Chocolate Hills.
Courtesy: Facebook.com / @Inside Marikina
Habang may Facebook user naman ang nag-share ng photoshopped version ng resort kung saan nakatayo ito sa Mayon Volcano.
Courtesy: facebook.com / @K5 FM 96.9 Sipalay
Samantala isang kilalang artist sa Facebook ang nagdrawing ng kanyang sariling meme tungkol sa kontrobersyal na resort.
Courtesy: Facebook.com / @Tarantadong Kalbo