“PARANG laruan lang na nailaw na may logo ng BINI.”
Isa ito sa mga pintas ng ilang BLOOMs, o fans ng P-pop girl group na BINI sa inilabas na exclusive merchandise ng kanilang idolo.
Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Huwebes, June 27, alas-6 pa lang ng umaga higit isandaang fans na ang pumila sa ELJ Building ng Kapamilya Network sa Quezon City para bumili ng limited edition merchandise ng BINI.
Iba’t ibang items ang mabibili ng fans–mula sa t-shirt (P1,699), friendship bracelet (P1,199), photocard holder (P799), photocard album (P999), iron-on patches (P899), holographic stickers (P199), paper bag (mula P50 hanggang P100), at BINI wand (P2,499).
Bago pa man ang National BINI Day noong June 11, inanunsyo na ni Star Magic head Laurenti Dyogi na maglalabas ang eight-member girl group–binubuo nina Jhoanna, Gwen, Stacey, Maloi, Aiah, Colet, Sheena, at Mikha–ng kanilang official merchandise.
Ipinasilip din nila ang ilan sa collectible items kabilang ang BINI wand. Nilinaw ni Dyogi na ang BINI wand ay hindi official lightstick na karaniwang ginagamit sa mga concert at iba pang group events.
‘Low quality’ BINI wand
Pero ilang fans ang dismayado sa kalidad ng sinasabing exclusive merchandise.
Nag-trending sa X (dating Twitter) and hashtag na “Blooms Deserve Better” matapos magpahayag ng saloobin ang ilang BLOOMs. Ayon sa kanila, hindi na nga makatarungan ang “overpriced” na merchandise pero “low quality” pa ang mga ito.
Para sa isang BLOOM, ang wand ay para lang “laruan” na may ilaw at logo ng BINI. Biro pa niya, kulang na lang daw ay tunog na naririnig sa mga laruang cellphone na pambata.
parefund HAHAHAHAHHAHAAJHAHHSHDHS PARANG LARUAN LANG NA NAILAW NA MAY LOGO NG BINI TEH @BINI_ph ANO BA TO 😭 KULANG NA LANG MAY TUMUNOG NA AYAYAYAYAY #BloomsDeserveBetter pic.twitter.com/Sz8sVhpd1T
— 𝙟𝙪𝙙𝙚𝙝 // very ia (@judehthegreat) June 27, 2024
ito yung 2.5k? 😅
— yawns ⟡ (@yawnsedits) June 27, 2024
pic.twitter.com/F90Cvq8vWY
ghaaad, the secondhand embarrassment 🤦♀️🤦 #BloomsDeserveBetterpic.twitter.com/QRArNWkwOP
— ً ࣪𐂂 (@thinksley) June 27, 2024
imagine nasa balcony ka tas isang hataw mo lang sa wand yung ulo nasa svip na #BloomsDeserveBetter
— mau (@lavmaurii) June 27, 2024
when you announce it like this, you cannot call it freebie anymore. these are inclusions. and just because you put out HORRIBLE quality inclusions doesn’t mean you get to backpedal and suddenly call it freebies. be accountable. we know our money’s worth.
— el (@serpentcore) June 27, 2024
#BloomsDeserveBetter pic.twitter.com/kFb41jBPUp
May ilang BLOOMs din ang nakapansin na nag-iba ang kulay at design ng BINI wand. Teal kasi ang kulay noong ipinasilip ito sa publiko noong June 2, pero naging asul na noong ibinenta na.
??? @StarMusicPH @starmagicphils @Icamasiba @direklauren pic.twitter.com/3IuzszSrgu
— ً (@mkhalvr) June 27, 2024
iniba pala talaga ang kulay for display lang ata yung nireveal nila lmao #BloomsDeserveBetter pic.twitter.com/GKK0XRN7Rd
— 𝚁𝚒𝚗 (@BINI_8finity) June 27, 2024
‘Manipis,’ ‘hindi pantay’ na photocards
Hindi rin nagustuhan ng ilang BLOOMs ang kalidad ng photocards ng walong BINI members.
Libre ang isang random photocard kapag bumili ng BINI wand, pero may mga fans ang hindi natuwa dahil “manipis” at “hindi pantay” ang pagkakagupit sa mga photocard.
Ipinakita pa nila sa X ang videos, pruweba kung gaano ito kanipis.
“Ampanget ng pagka cut ng photocards tapos manipis pa,” reklamo ng isang netizen.
AMPANGET NG PAGKA CUT NG PHOTOCARDS TAPOS MANIPIS PA PERO ANG PRESYO NAPAKA TAAS 🤡
— ً (@leinpop) June 27, 2024
#BloomsDeserveBetter pic.twitter.com/7OdRO1XoZK
wdym ganto yung photocards!???? not giving talaga😭😭 pic.twitter.com/buAESUagCL
— 🐥 (@manifestjennie) June 27, 2024
Nakaka-”disappoint” anila na “poor quality merch” ang iniaalok sa fans.
abs-cbn as one of the largest companies in the philippines, it’s disappointing to see you provide such poor quality merch. the fans deserve better.#BloomsDeserveBetter pic.twitter.com/1risdCdnlH
— ًchy (@aiaharc) June 27, 2024
May iba namang ikinumpara ang kalidad ng official at unofficial BINI merch, at sinabing mas maganda pa ang ibinebenta o ipinamimigay na photocards ng fans.
mas maganda pa mga fanmade photocards na 'to e#BloomsDeserveBetter#BloomsDeserveBetter#BloomsDeserveBetter pic.twitter.com/Hh3k3lChpp
— nyx 🤙🏻 (@binisleight) June 27, 2024
sorry to say but mas maganda pa 'yung mga PC na gawa ng blooms kaysa sa original one, mas muka ring original 'yon kahit fanmade lang 😓#BloomsDeserveBetter https://t.co/ffeziwTku9
— serene is slave of education ౨ৎ (@jhournalist_) June 27, 2024
Giit ng ilang netizens, suportado nila ang proyektong ito ng P-pop girl group pero sana’y bigyan din sila ng de-kalidad na merchandise.
we'd do anything to support BINI but at least give us quality products 😭 #BloomsDeserveBetter
— yawns ⟡ (@yawnsedits) June 27, 2024
parang di naman happy? pero sure, support BINI eh. pero sana ayusin naman ng management. thoughts lang#BloomsDeserveBetter https://t.co/WHmASTdwyT pic.twitter.com/jrmYMbFWhd
— gus | bunnies 🪐🔚🩷 #NJZ (@secretvault0722) June 27, 2024
Blooms aren't asking for too much, they're even asking for the bare minimum. We support the girls wholeheartedly and we also expect the same commitment from the management. Please, do better. #BloomsDeserveBetter
— Yves (@fondofmaryloi) June 27, 2024
Sa ngayon, wala pang sagot ang management ng BINI sa mga hinaing ng BLOOMs sa official BINI merchandise.
Pero inanunsyo nito ngayong Biyernes, June 28, na pwede na muling makabili ang fans, exclusive website member man o hindi, sa ABS-CBN store hanggang 5 p.m.
Magkakaroon din ng limited merch selling sa “BINIverse” concert sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City para sa concert ticket holders.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?