fbpx

BINI, ENHYPEN, nag-collab para sa TikTok dance challenge

by Joanna Deala

HINDI pa rin nakaka-move on ang ilang Pinoy fans ng P-pop girl group BINI at K-pop boy group ENHYPEN matapos magsanib-pwersa ang kanilang mga idolo para sa isang dance challenge sa TikTok.

Viral ngayon ang video na pinost ng ENHYPEN sa social media, kung saan sinayaw nila ang kanilang bagong kantang “XO (Only If You Say Yes)” kasama ang Nation’s Girl Group ng Pilipinas.

Unang makikita sina BINI members Stacey at Colet na umiindak kasama si Sunoo, bago mag-transition ang video kanila Jay at Heeseung na kasama naman si Sheena.

Nasa 14 million views na ang video sa TikTok page ng ENHYPEN.

Samantala, ni-repost naman ng BINI ang dance challenge sa official account nito sa X (dating Twitter).

Kuha ang video mula sa katatapos lang na KCON LA 2024, isang K-pop music festival na ginanap sa Crypto.com Arena sa Los Angeles, California na parehong dinaluhan ng BINI at ENHYPEN.

Gumawa ng kasaysayan ang BINI—na binubuo nina Jhoanna, Stacey, Gwen, Maloi, Sheena, Mikha, Colet, at Aiah—bilang kauna-unahang P-pop group na nag-perform sa naturang event.

Ikinatuwa naman ng fans ang pagsanib-pwersa ng dalawang grupo sa iisang video at sinabing dream come true para sa BINI members ang maka-collab ang kanilang mga idolo.

“Imagine bias lang nila noon, nakakasama na nila mag-TikTok ngayon. So proud of my girls,” comment ng isang netizen sa TikTok video ng ENHYPEN.

“Omggg, dream come true si Sheena,” dagdag pa ng isa.

“From attending ‘Manifesto’ to dancing with them, omg Sheena and Colet the luckiest engene!!” sabi pa ng isang TikTok user.

ENGENE ang tawag sa fans ng ENHYPEN.

Ikinagulat naman ng ibang netizens ang collaboration na ito.

“Definitely didn’t expect this,” wika ng isang social media user.

“Would have never expected this,” dagdag pa ng isa.

Hiling naman ng ibang fans, maglabas sana ng dance collab ang dalawang grupo para sa bagong kanta ng BINI na “Cherry On Top.”

Fangirling moments

Hindi rin napigilan ng ilang BINI members na mag-fangirl matapos masilayan at maka-collab ang ENHYPEN.

Sa X, ibinahagi rin ni Colet ang naturang TikTok video at sinabing, “Sana gets niyo ako.”

Pabiro namang nag-reply dito si Stacey ng, “Thank you sa pagsama sa’kin.”

Nagbahagi rin si Sheena ng kwento tungkol sa kanyang pagfa-fangirl sa ENHYPEN.

“Omg naalala ko tuloy may stan [account] ako for enha tas tinry ko sumali sa selca day pero crop mukha ko tas may nag comment ‘omg bini sheena?’ DINELETE KO AGAD POST,” ani Sheena.

Dagdag niya, “My stan [account] won’t believe what just happened today.”

Nag-post din si Sheena ng kanyang mga litrato kasama ang natanggap niyang signed album mula sa fifth-generation K-pop boy group.

How useful was this post?

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Follow us on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Dive deeper into the issues that affect your community. Follow republicasia on FacebookTwitter and Instagram for in-depth analysis, fresh perspectives, and the stories that shape your daily life.