MAG-BIBINGO na nga lang, napa-compute pa! Trending ngayon sa social media ang bidyo ng isang netizen na nagbobola sa bingohan, matapos singitan ng kanyang ama ng mga mathematical equations ang laro.
Napasabak sa math quiz si Ciela Paneda, ang may-ari ng TikTok video, at ang kanyang pamilya sa kaarawan ng kanyang Lolo matapos paulanan ng math equations ng kanyang ama ang simpleng bingo session nila.
@cielamaeeeee bingo with a twist 🤣 ang hirap naman maging bobo dito HAHAHAHAHAHAHA #fyp #foryou #foryoupage #bingo #tiktoktainment ♬ original sound – shela
Kwento nga ni Paneda, naabutan lang nilang naglalaro ng bingo ang mga bisita ng kanyang Lola, at naisipang sumali na rin sa simpleng kasiyahan dala ng wala rin naman silang ginagawa.
“Naglaro po kami for fun hanggang sa napagod na po kaming lahat mag-bola, so si papa ko na po ‘yung pumalit. Nagulat po kami kasi panay equations na ‘yung way niya para makuha namin ‘yung numbers sa bingo,” kwento ni Pineda.
Ibinahagi naman ni Paneda na kaya ganito ang naging paandar ng kanyang ama habang naglalaro sila ng bingo ay dahil isa itong Civil Engineer.
“Naisip ko po na videohan kasi nakakatuwa lang po na napasaya niya kami. At the same time, napilitan din mag-isip kasi hindi ready ‘yung mga utak namin,” dagdag nito.
Komento ng mga netizens
Hindi naman napigilan ng mga netizens na magkomento sa nakakatawang TikTok video na ito ni Paneda. Ika nga nila, mas mabuti pang sumugal nalang sa maling tao, kaysa sa ganitong bingohan.
“Baka may nanalo na hindi niya lang alam kasi di niya na calculate ng maayos,” sabi ng isang netizen sa comment section ng TikTok video.
Screenshot from: @cielamaeeeee | TikTok
Hindi naman napigilan magtanong ng isang netizen kung tama nga ba na bingo ang nilalaro ng pamilya sa video. “Bingo ba ‘yan o battle of the brains?”
Pinuri naman ng mga netizen ang isang matandang babae na maririnig sa likod ng video dahil sa bilis nitong sumagot at tama ang pagbilang sa bawat tanong na binabato sakanila.
“Yung nag sosolve din ako sa isip ko tas nauuna sumagot si nanay hahahaha galingggg,” sabi ng isang netizen.
Bingo para sa mga Pilipino
Tunay nga na ang bingo ay hindi lamang isang laro kundi isang bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Ito rin ay naging isa sa mga paboritong libangan ng maraming indibidwal sa Pilipinas.
Lalo na nga sa mga pagtitipon sa pamilyang okasyon at sa bawat kanto ng bansa, maaari mong madatnan ang mga grupo ng tao na masaya at seryoso sa paglalaro ng bingo.
Photo Courtesy: Mick Haupt | Unsplash
Ito ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga pamilya na magsama-sama, at para sa mga nakatatanda na magkaroon ng regular na pakikisalamuha sa mga tao.
Ikaw? Sasali ka kaya sa isang bingo session na ganito ang taga-bola? Ibahagi sa comment section ang iyong sagot at mga math moments na hindi malimutan!
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?