HINDI lang gintong medalya ang hinakot ng 24-year-old gymnast na si Carlos Yulo, pati na rin sunod-sunod na incentives matapos ang kanyang makasaysayang pagkapanalo sa Paris 2024 Olympics.
Nitong Linggo, gumawa ng kasaysayan si Yulo bilang kauna-unahang atletang nakapag-uwi ng dalawang gintong medalya sa isang Olympics. Siya ang ikalawang Pilipinong atletang nanalo ng gold medal sa Olympics, kasunod ni weightlifter Hidilyn Diaz sa Tokyo 2020.
Nasungkit ng Gen Z gymnast ang unang gold medal ng Pilipinas sa Paris 2024 matapos niyang makakuha ng 15.000 points sa men’s floor exercise finals. Nasundan ito ng kanyang panalo sa vault final kung saan nakakuha siya ng 15.116 average score.
Bilang pagkilala sa historic achievement ni Yulo, inihayag ng Megaworld Corporation na i-a-upgrade nito ang incentives na ibibigay sa atleta.
Mula sa isang fully-furnished condominium unit sa Bonifacio Global City sa Taguig na nagkakahalaga ng P24 million, makakatanggap si Yulo ng mas malaking three-bedroom unit sa McKinley Hill.
Fully-furnished din ito, kasama na ang appliances, furnitures, at fixtures. Mayroon din itong dalawang balkonahe, hiwalay na maid’s room, at parking slot.
Bukod dito, tatanggap din si Yulo ng P3 million cash bonus, “special award” ng kompanya para sa gymnast na naging pinakaunang atletang nakasungkit ng dalawang gintong medalya sa Olympics.
Umabot ng P35 million ang reward na ibibigay ng kompanya kay Yulo.
“Since this is a very significant milestone in the history of Philippine sports to have two gold Olympic medals during our 100th year participation as a country in the Olympics, which also coincides with our company’s 35th anniversary this year, we are boosting our reward for Carlos Yulo now totaling to P35-million,” pahayag ni Megaworld President Lourdes Gutierrez-Alfonso.
Dagdag niya, “He truly deserves this and we will always be proud of him for taking Filipino excellence to the next level.”
May dalawa pang medalyang makukuha ang bansa sa larangan ng boxing, matapos mag-qualify nina Aira Villegas at Nesthy Petecio sa semifinals ng kani-kanilang divisions.
Ito ang unang beses na nakasali si Villegas sa Olympic, habang target naman ni Petecio na i-upgrade sa gold ang kanyang Tokyo 2020 silver medal.
Other rewards
Isa lamang ang reward ng Megaworld sa milyun-milyong halaga ng gantimpalang matatanggap ni Yulo.
Una nang inihayag ng House of Representatives na magbibigay ito ng P3 million cash incentive sa Gen Z gymnast.
Nangako rin ang SM Group na magbibigay ng P1 million worth of products mula sa SM Retail, na magagamit sa loob ng isang taon sa department stores at supermarkets nito.
May lifetime free buffet din si Yulo sa buffet restaurant chain na Vikings.
Samantala, labis na ikinatuwa ng buong Pilipinas ang pagkapanalo ni Yulo sa Paris 2024.
How useful was this post?
Click on a star to rate it!
Average rating 0 / 5. Vote count: 0
No votes so far! Be the first to rate this post.
We are sorry that this post was not useful for you!
Let us improve this post!
Tell us how we can improve this post?